DALAWANGPU'T PITO

1.8K 47 0
                                    

ALEXSANDREA


Nagising ako dahil may naamoy akong kakaiba, parang amoy sunog?



Hala nasusunog ang building?!
Agad akong nagbihis at bumaba na para tingnan ang kaganapan sa baba.




Sinundan ko ang amoy at dinala ako nito sa— kusina?!





Laglag ang panga ko sa sitwasyong nasa harapan ko....
Si Giliana naka-apron pa at talagang nagko-concentrate sa ginagawa niya na akala mo naman eh nagde-diffuse ng bomba.
Kunot-noo pa amputa! hahaha!




Okay na sana eh, kaya lang ay di ko sure kung makakain ko pa yung niluluto niya.
Sunog kasi lahat.
Hotdog, bacon and pancakes yata?







"Good Morning, babe!"
pucha! ngiting-ngiti pa talaga siya.





"Good Morning."
sagot ko at ngumiti din sa kanya, sana nga lang ay hindi yun mukhang peke.





Lumapit naman ako at hahalikan dapat siya sa pisngi kaya lang humarap sakin ang lola mo kaya sa lips ko siya na-kiss.





"Sweet mo naman, sana ginising mo na din ako."



"I want to prepare something for you, isa pa mukhang ang sarap ng tulog mo kaya di na kita inistorbo."
'Okay lang na gisingin mo ako kaysa naman mag-aksaya tayo ng pagkain' sabi ko sa isip ko.





Pero siyempre naman, sobrang na-appreciate ko ang effort n'ya dahil alam kong hindi talaga siya nagluluto ng kahit ano. Kaya pano kaya siya nabuhay noon sa ibang bansa? puro take-out? o baka may chef?






"Thank you, let's eat?"





Tumango lang siya at pinaupo na ako, siya din ang naghain sa harapan ko, wow lang ako ng boss for the day.





Inihain n'ya pa sa harap ko ang niluto at saka umupo sa harapan ko. Yung feeling na inaantay n'ya muna ako na sumubo kaya naman abot-abot ang kaba ko, pinagpapawisan na nga pati ang kili-kili ko at butil - butil ang pawis ko.





Shet naman kasi, mabuti sana kung very light lang yung sunog nung niluto n'ya, eh halos hindi ko na maalala yung totoong kulay nila.







Pero dahil love ko yung nagluto at takot ako na baka mapalayas at maging pulubi ay kinain ko din yung luto n'ya.
Nguya-nguya-lunok-inom-tubig-repeat.






"How was it?"
Gagu!
Napalunok nalang ako ng laway.





"Ok lang."






"You sure?"
tanong n'ya pa ulit na parang nagdududa pa sa sagot ko.






Tumango lang ako at tumusok ulit ng charcoal—ay este hotdog pala pero pinigilan na n'ya ko.





"That's enough, 'wag mo na pilitin baka sumakit yung t'yan mo."






Nag-iba naman bigla yung mood n'ya na parang nalungkot pa siya at nanahimik bigla pagkatapos ay walang pasabi na niligpit lahat nung nasa lamesa.







"Huy wait la—"







"I'm sorry wala akong talent sa kusina...gusto ko lang naman ipagluto ka kahit minsan."
yumuko pa talaga siya na lalong nagpalambot naman sa puso ko — awwwww






David and Goliath (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon