DALAWANGPU'T SIYAM (IKALAWANG BAHAGI)

1.8K 45 9
                                    

ALEXSANDREA



"Lexi, wake up."






"5 more minutes."




Sagot ko lang sa gumigising sa'kin, kanina n'ya pa kasi tinatapik-tapik ang mukha ko para gisingin ako. Nandito kami ngayon sa hotel room, at palagay ko ay tirik na din ang araw.






Ayoko pang gumising, mas gusto ko munang matulog kaya naman imbes na dumilat ay itinaas ko ang dalawang kamay ko na para akong zombie.




"Buhat." sabi ko na lang.





"What?"





"Buhat mo 'ko."
Ulit ko sa sinabi ko.






Pabebe kong sagot na bahagya palang na nakadilat ang mga mata.






"Ayoko."
Pagtutol niya.





Pagkarinig ko nun ay ibinaba ko ang mga kamay ko at bumaling ng higa at sabay talukbong pa — eh ba't ba? sa trip ko mag-inarte ngayon.




"Tss, lazy ass."
Yung lang ang narinig ko at maya-maya ay naramdaman ko na ang pag - angat ng likod ko sa higaan kaya naman kumapit nalang ako sa leeg niya habang inaayos n'ya ang pwesto ko ng maka-upo ako sa kama.







"Thank you."
Hinalikan ko naman siya sa pisngi bilang pasasalamat na ikinangiti lang niya.






"Breakfast in bed?"
tanong n'ya pa na sinuklian ko ng pagtango.





Tumalikod naman siya sa akin at kinuha yung tray na may lamang pagkain.





"Wow! Mukhang masarap!"
bigla akong nakaramdam ng gutom dahil sa nakita.



Inihain naman niya ang breakfast naming dalawa —Croque Madame at juice,  siyempre meron pa din nung sliced fruits n'ya na hindi nawala sa menu ng isang 'to.


At hindi nga ako nagkamali, hindi lang kasi siya mukhang masarap dahil talagang masarap ito. Napapapikit pa 'ko habang kumakain. Aba! minsan lang makarating ng Pransiya kaya dapat sulitin ko na.





"What's our schedule for today?"
tanong ko sa kanya dahil sa aming dalawa ay sigurado akong mas pamilyar siya sa lugar na ito.



"I'll be your tour guide for the whole trip."
Ang taray naman ng tour guide ko, isa sa pinakamayamang babae sa henerasyong ito.
Big time!





"Wow naman! ang big time ng tour guide ko, isang Giliana Gomez lang naman."




David and Goliath (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon