She was the Boss,
The typical cold-hearted bitch.
While she was a hard-working employee.
Everything was perfect until one piece of paper and a careless lie change their perfect separate lives.
(This is a work of pure fiction and NOT related to the o...
KAAGAD akong naghanda ng pagkaing dadalhin sa opisina ni Goliath, masyadong nakakainip dito sa mansyon dahil ako ang naatasan na bantayan ang bata dahil may kanya - kanyang lakad ang mga kasama ko sa bahay.
Pumayag naman ako tutal ay bandang dinner pa naman ang meeting ko. Nakahanap na kasi ako ng magandang location na paglalagyan ng isa pang branch ng Radiant Revelry dito sa Pilipinas.
Maayos din naman ang takbo noong nasa abroad dahil ganoon kalaki ang tiwala ko kay Jenny, at isa pa ay hindi rin naman ako nagpapabaya kahit pa work.- from - home set up muna ko ngayon.
WORK - FROM - HOME.
Dapat ay lilipad ulit ako pabalik sa California para balikan ang kumpanya ko pero mariin iyong tinutulan ni Goliath....Tss. Hindi daw magandang tiyempo kung babalik ako doon lalo pa at mainit pa ang isyu ng hiwalayan umano namin ni Dylan.
Speaking of Dylan, napagdesisyunan nito sa panindigan ang kasal na hiningi ng tatay ni Miranda Campos. Sinabi na lang nito sa isang post na hindi kami nag'click' bilang magkarelasyon at nanatiling magkaibigan.
Ganun din ang sinabi ko bilang 'statement' at para suportahan din ang post niya.
Inaayos ko ngayon sa mga lalagyan ang mga pagkaing niluto ko. Naparami nga ang mga ito dahil sinadya kong dagdagan dahil baka - sakaling maabutan ko doon ang mga kaibigan ko.
Naghanda ako ng Focaccia Sandwiches, Quick Taco Wraps, Indian Spiced Chickpea Wraps at saka Pizza Pancake para kay Sianna para naman sa dessert at naghanda ako ng Chocolate Chunk Walnut Blondies at Flourless Peanut Butter Thumbprints.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Sunod ay inayusan ko naman si Sianna, ipinasuot ko dito ang isang Purple Set ng Knitted Sweater at Shorts.
Ang cute!
Nagsuot pa ito ng sumbrero at maliit na bag na babagay sa outfit niya habang yakap ang isa sa mga teddy bear niya.
Ready na kami.
Ako naman ay nakasuot ng Camden Black Wrap Skort Dress. Oo skort, skirt na short — Hahahaha!
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.