READ AT YOUR OWN RISK.
°°°
ALEXSANDREA
Nauna akong magising kay Goliath na kasalukuyang nahihimbing pa ng tulog.
Tahimik kong pinagmasdan ang maganda nitong mukha habang payapang natutulog.
Hinalikan ko lang ito sa tungki ng ilong at natawa ako ng bahagya niyang kamutin iyon at bumaling ng higa sa kabilang side at talikuran ako.Napangiti nalang ako at bumaba na sa kama.
Naisipan kong ipagluto muna ang birthday girl. Ang totoo n'yan ay maski ako kulang sa tulog at panay-panay ang paghikab ko.
Malandi ka din kasi!Hindi ko pa alam ang ireregalo ko sa kanya, ayoko naman na bumili lang ng kahit ano at iabot sa kanya dahil para namang wala akong ka-effort-effort nun.
Nagluto ako lang ako ng almusal at nag-ayos na ng sarili pagkatapos. Napagdesisyunan ko na maunang umalis ng bahay para makapag-isip pa ko ng plano.
Gusto ko pa rin naman ay maging espesyal para sa aming dalawa ang araw na ito.Nakarating naman ako sa opisina ko at naabutan ko ang sekretarya ko na magco-concert sa loob.Hahahaha
"Sa loob ng aking BMW seda— ay bunso!"
Pigil ang tawa ko ng dali-dali nitong hinubad ang suot na airpods."Ano ba 'yang pinapakinggan mo? BMW? Sedan?"
Ipinasuot niya sakin ang isang airpods at nasa kanya naman ang kapares, sabay naming pinakinggan ang tugtog. Nanlaki ang mata ko ng marinig ko ang buong kanta, parang may bumbilya kasing tumunog sa ulo ko at nakaisip ako ng magandang ideya.
"Ang galing mo ate!....paki-cancel mo lahat ng schedule ko ngayon, may pupuntahan ako."
nakangiting sabi ko sa kanya.Maya-maya ay tumunog ang cellphone ko.
Si Goliath, tumatawag!("Hey! where are you?!")
pagalit na tanong nito sa akin pagkasagot ko palang ng telepono."Nasa office, why?"
pinaseryoso ko pa ang boses ko.("Nevermind.")
inis na sabi nito at binabaan na ako ng telepono.Habang binubuo ko ang plano sa isipan ko ay siyang pagtawag naman sa'kin ni Kamila, si Rikki ay nasa kabilang linya at gusto akong makausap sa telepono.
"Rikki, kumusta? ba't ka napatawag?"
"Ah, gusto ko lang ipaalam na patapos na ang resort, pwede na mag-open for booking and reservations in no time."
sabi nito sa'kin, oo nga pala ipinaubaya na ni Goliath sa akin ang pagma-manage ng resort.
Maski nga si chairman ay kinukumusta pa 'ko at nangako ng tulong incase na kailanganin sa resort."Great!....ang gusto ko sana makabalik ulit kami d'yan bago official na buksan yung resort, sabihan nalang kita, thank you Rikki."
Pagkababa ng tawag ay naagaw ang atensyon ko ng humahangos na si Kamila papasok sa opisina.
"Naku lagot na!...yung birthday girl, mainit ang ulo!"
"Ha?"
"Talaga ba?"
"Napagalitan yung mga empleyado sa baba, bigla-biglang nag-inspection si Ma'am Lia, tapos binigyan ng warning yung mga nakita niyang may konting sablay!"
Natatarantang sabi pa nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/357704473-288-k489769.jpg)
BINABASA MO ANG
David and Goliath (GL)
RomantizmShe was the Boss, The typical cold-hearted bitch. While she was a hard-working employee. Everything was perfect until one piece of paper and a careless lie change their perfect separate lives. (This is a work of pure fiction and NOT related to the o...