"Hello Lorise!" Text ni kuya Renz saken.
Once a month lang maaaring umuwi ang mga seminarians at doon lang sila pwedeng gumamit ng phone.
"Hi kuya Renz! Kamusta po?"
"Eto hindi okay..."
"Awww. Bakit naman po?"
"Eh kasi may issue sakin sa seminaryo. May nililink sakin na babae."
Dahil alam ko sa sarili ko na hindi naman ako ang maiissue sakanya.. Easy lang ako. Mag aadvice lang sakanya.
"Talaga po kuya Renz? Okay lang po yan. Kung alam mo naman po na walang something sainyo nung girl, no need to worry."
"Sabagay tama ka Lorise."
"Yieee sino ba yun kuya? Maganda ba?"
Pangaasar ko sakanya para magbago ang mood.
"Sayo nila ako inissue."
"Whaaaaaat?!!! Of all people.. ako?!?!?!"
"Oo. Diba? Nakakainis. Magkaibigan lang naman tayo."
Dahil hindi ito ang unang beses na naissue ako sa seminaryo.. Gusto ko nalang umiwas.
"Eh kung ganun.. Gusto mo po iwasan na lang kita? Para wala ng issue. Para di ka na din po maapektuhan."
"Ayoko. Wag kang iiwas. Wala naman tayong ginagawang masama diba? Wag na lang tayo magpaapekto sakanila."
At agad naman akong nagpadala sa sinabi ni kuya Renz.
Sa mga susunod pang Home Weekends.. Patuloy kaming nagkakatext ni kuya Renz.
Kamustahan..
Kwentuhan..
Kulitan..
Habang tumatagal.. Parang nag iiba na ang mga kulitan. May mga banat na sya, ngunit hindi ko pinapatulan. Hindi pwede. Hindi dapat.
BINABASA MO ANG
In love ako sa seminarista (On-Going)
Short StoryFalling in love with a seminarian-- are you going to take the risk?