"Pasensya ka na Lorise kung kailangan ko na umuwi agad. Hindi kasi ako nagpaalam sa bahay. Medyo malayo po uuwian namin." Text saken ni kuya Renz
"Okay lang yun, 'no. Magbbirthday naman po ulit si kuya Nate next year! Hahaha. Hindi rin naman po tayo nagkakausap kanina."
"Oo nga eh, nakakahiya kasi hindi ko kilala iba mong kasama. Tsaka kasama ko si kuya Gelo. Alam mo naman yun. Kaya nga natuwa ako nung tumawag ka, akala ko ikaw talaga. Napangiti pa ako. Tinanong ni Kuya Gelo sino daw tumawag at nakangiti ako."
Hay nako naman. Inulit pa. Bakit ka ba natuwa sa pagtawag ko? Inexpect mo din ba? At bakit kelangan nakangiti makipagusap?? Hahahaha charot. Pakiligin mo pa sarili mo, Lorise.
"Wala naman po akong sasabihin sainyo. :D" text ko kay kuya Renz
"Sabagay. Hindi na nga tayo nakapagkulitan kanina eh. Pasensya ka na sa issue ha. Ako na lang din umiiwas, baka kasi mas maissue pa tayo."
"Ayos lang yun kuya Renz. Lilipas din yang issue na yan."
~~
"Don't know what to do whenever you are near. Don't know what to say my heart is floating in tears. When you pass by I could fly~~" Kanta ni kuya BJ sa videoke.
Uy sakto yata yung kantang yung para sa 'kin ah. Don't know what to do whenever you are near~~
Pagkatapos kumanta ni kuya BJ, tinabihan ko sya at tinanong,
"Kuya BJ, kapag tinawagan ka ng kaibigan mong babae sa phone for the very first time, ano magiging reaction mo?" tanong ko sakanya.
"Ha? Kaibigan na babae? Wala. Edi sasagutin ko lang."
"Matutuwa ka ba?"
"Bakit naman matutuwa? Paano? Depende eh. Syempre kung matagal ko na siguro hindi nakakausap yun, oo matutuwa ako."
"Eh pano kung kakakita nyo lang bago sya tumawag? Mapapangiti ka dahil tumawag sya?"
"Bakit naman ako mapapangiti? Hahahaha."
"Wala, nagtataka lang din ako. Curious lang, ganern. Eh kapag may tumawag sayo na babae tapos napangiti ka? Ano ibig sabihin non?"
"Edi gusto ko yung babae."Sagot ni kuya BJ saken.
Edi gusto ko yung babae. Gusto ko yung babae. Gusto ko. Gusto. Paulit ulit tumatakbo yan sa isip ko. Ano? Gusto? Paano? Assuming na naman tuloy ako. Pero lalaki na kasi sumagot eh. Ang weird naman talaga diba kung "kaibigan" lang, tapos napangiti ka kasi tumawag sya sayo? Pagkatapos namin hindi magpansinan habang nasa iisang lugar kami? So.. does that mean na gusto nya din talaga ako makausap?
Ikaw, dear reader, ano sa tingin mo? :)
BINABASA MO ANG
In love ako sa seminarista (On-Going)
KurzgeschichtenFalling in love with a seminarian-- are you going to take the risk?