Nalaman ko na may girlfriend si kuya Renz dahil inamin nya ito kay Claire.
At si Claire naman ay ikinwento ito sa akin. Pinakita niya din sa akin ang picture neto at kung taga-saan yung babae.
"Lorise, sabe nga ni kuya Renz, galing sila sa batangas kahapon. Sinamahan nya yung girlfriend nya na bisitahin yung lola. Legal pala sila sa side ng babae."
"So ibig sabihin, medyo matagal na sila? Kasi pinakilala na pala si kuya Renz sa pamilya eh."
"Oo daw, parang mag 1 year na sila." sagot ni Claire sa akin.
"Grabe ha. Parang sa loob ng panahon na may relasyon sila, nagkakausap din kami ni kuya Renz. So, nag-assume lang ba ako sa pakikitungo nya? Sa pagiging sweet nya minsan? Sa pag-aalala nya? Sa lahat ng mga pa-bawal nya? Sa lahat ng oras na binigay namin sa isa't isa para mas magkakilala? Sa lahat ng 'Good morning' at 'Goodnight' kada pag gising at bago matulog? Hay ang tanga ko naman para mahulog sa ganung pakikitungo. Yun pala, kaibigan lang pala ang turing nya talaga sa akin. Nakakahiya sa girlfriend nya kasi umamin pa ako na may nararamdaman ako kay kuya Renz." Ang daming tanong sa utak ko at punong puno din ako ng pagsisisi sa mga pangyayari.
"Ano ka ba Lorise. Hayaan mo na yun. Wala ka namang kasalanan. Na-fall ka lang naman. Makakabangon ka din. Piliin mong bumangon. Pero teka, bakit saken kinwento nya na may girlfriend sya? Eh halos isang buwan palang naman kami nagkakatext. Tapos kayo, matagal na at kada home weekend nila, magkatext kayo. Hindi manlang nya binanggit sayo na may jowa sya or kahit manlang sabihin nya na may gusto syang babae. Baka naman kasi gusto ka din nya? Kaso since may gf sya, stuck sya doon, pero ayaw ka nya mawala din sakanya?" at mas lalo pa ngang ginulo ni Claire ang isipan ko
"Nakakaloka ka ha. Mas marami ka pang assumptions kesa sa akin. Hahaha" medyo natawa din naman ako doon. "Ayoko na isipin yon dahil baka umasa pa ako lalo. Eh ano kung may gusto din pala sya saken? Mas pinili na din naman nya yung girlfriend nya. And aside from that, seminarista pa sya. Ayaw kong ako yung maging dahilan para masira yung bokasyon nya sa pagpapari. Kung pagkakaibigan lang ang gusto nya makuha from me, so be it. Kaya ko naman siguro maging 'kaibigan' nya. Good thing din na tuwing home weekend lang talaga kami nagkakatext, at least 'di ako nag-lolong sa texts nya if ever na hindi nya ako maisipan itext diba? Hay, baket kasi may mga ganitong scenarios pa eh? Hindi na nga pwede, dahil seminarista, hindi pa lalong pwede dahil may jowa. Double barrier lang, kuya Renz? Iwas na iwas?"
at natawa na lang din kami ni Claire pareho.
Kayo, readers? Sa tingin nyo? May gusto din kaya si Renz kay Lorise? O kaibigan lang talaga ang tingin nya dito?
BINABASA MO ANG
In love ako sa seminarista (On-Going)
Short StoryFalling in love with a seminarian-- are you going to take the risk?