22

56 3 1
                                        

Brent Gideon Co

9:25 AM

hii, erin! good morninggg

'di na kita naabutan kahapon maaga ako umuwi and nasa lib ka daw? inabot kana ng 6pm?

sama mo naman aq pls

so boring talaga magreview kapag magisa lang

in your MADAM era na naman :(

okay, i respect you, if you don't want to be with you okay lang, erin! hihi

12:28 PM

hii, erin! 'diba okay naman na tayo? tinatawag kita kanina 'di mo ako pinansin

galit kaba saakin?

okay i will wait your reply, baka naka dnd ka

aral well, erin!

***

"Erin!" Napahinto ako pumasok sa library nung may tumawag saakin. Paglingon ko ay nakita ko si Brent.

Huminto ako bahagya at hinintay siya. Nang makalapit na siya saakin ay napatingin siya sa dami ng hawak ko na libro. "Mag rereview ka ulit? Sama ako." Masaya niyang sabi saakin.

"Huwag na ayoko ng distraction, Brent." Sabi ko tangkang papasok na sa library pero hinawakan niya ang braso ko.

"Distraction? Ako? Paano ako naging distraction sa'yo, Erin?" Tanong niya.

"Iyang pagiging makulit mo, Brent. Hindi paba halatang ayoko? Ayoko ng distraction sa pagaaral ko bakit ba ang kulit kulit mo at patuloy mo pa din akong hinahabol." Sabi ko.

Halatang nasaktan siya sa sinabi ko. "Gusto kita, Erin. Hindi paba sapat na dahilan 'yun?"

"Ako, hindi. Hindi kita gusto at magugustuhan, Brent." Sabi ko at tuluyan nang pumasok sa library.

Brent Gideon Co

4:29 PM

I'm sorry kung na didistract kita, Erin. i didn't mean too. Don't worry hindi na kita kukulitin pa. Salamat, Erin. Salamat.

lover duology #1: afterglowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon