3 years later~
🔒 @walatulognagaaral
i still can't believe that i achieve my goal, i can finally say that i made it... kuya, mom, and dad. i made it.🔒 @walatulognagaaral
kamusta na kaya siya? hahaha***
Andito ako ngayon sa isang coffee shop at hinihintay ang isang ka deal ko, isang deal na lang at puwede na akong umuwi sa pilipinas.
Out of nowhere bigla akong kinakabahan, hanggang ngayon kasi ay hindi ko kilala ang ka deal ko, suprise daw dahil ayun na ang last deal ko at iiwan ko na daw sila.
Para akong nanigas ng makita ko ang napaka familiar na tao. "Brent." Sabi ko.
He look so fine, mas gumanda ang katawan niya at mas tumangkad pa siya. "Sorry, I'm late Ms. Navarro." Tanging sagot niya.
Mahigit isang oras din yatang inabot ang meeting namin, napangiti na lang ako ng na close ko ang deal. Pag katapos niyang pirmahan ang kontrata ay tumayo na din kami. "Thank you for closing this deal, Mr. Co." Sabi ko at nginitian siya.
Para din akong nakuryente ng mahawakan ko ang kamay niya. "It was nice seeing you again, Erin." Sabi pa niya at ngumisi pa bago ako iwan sa coffee shop.
'Putangina? Bakit ganoon nalang bigla ang naging epekto saakin ni Brent?'
Hindi na rin ako nagtagal sa coffee shop at sumakay na ako sa kotse ko para pumunta na sa office. Pagpasok ko sa office ko ay nagulat ako dahil may pa mini surprise pa sila.
"Congratulations, Erin!" Sabay sabay nilang sabi.
Ramdam ko naman na paiyak na ako dahil biglang mag flashback saakin ang mga panahon na bago bago pa lang ako dito at ngayon na aalis na ako.
Sa tatlong taon ko dito ay napaka dami kona ring nabuong friendships. "Why are you crying, Erin?" Tanong pa ni Madam.
"You guys making me cry." Sabi ko at pinunasan ang luha ko. Pagkatapos noon ay nagsikain na din kami at nag kuwentuhan pa.
"You know Mr. Co, Erin? I feel he knows you, because when we offer his the deal he accept it without hesitation, He already sign the deal, you know that? But he requested to meet you." Sabi ni Madam kaya naman natahimik ako.
"Honestly, Madam. He is my blockmate back then." I confess. "H-he also the reason why I want to go back to Philippines." Dagdag ko pa.
Halata namang nagulat sila sa sinabi ko. "He likes me before, but i rejected him because I want to focus on my studies. And I really want to take this offer. So that's why i rejected him." Sabi ko pa.
"You love him, Erin. Did you?" Tanong ni Madam.
"Yes, Madam. No matter how much I deny that I don't like him, I like him too, But like what I said, I can't handle my studies and have a lover." Sabi ko.
"Really, Erin. Gusto mo din ako noon?" Para akong nanigas ng marinig ko ang boses ni Brent sa likod ko.
Rinig ko ang pagalis nila Madam at halatang gusto kaming bigyan ng space para makapag usap kami.
"Ano tatakbo ka na naman, Erin? We achieve our dreams, hindi pa rin ba puwede?" Tanong nito.
Hindi ko alam ang sasabihin ko, sobra akong nagugulat sa mga pangyayari. "H-hindi ko alam ang sasabihin ko." Pag aamin ko.
"Isang sagot lang ang kailangan ko, Erin. Sabihin mo lang na kaya mo na akong mahalin ngayon gagawin ko ang lahat para makuha kita." Sabi pa niya kaya muli akong napaiyak.
"This is the right time we're waiting, Brent. And my answer is Yes. Handa na ako, handa na akong mahalin ka." Sabi ko at niyakap siya.
"I will do everything, Erin. Napaka tagal kong hinintay 'tong panahon na 'to hinding hindi ko 'to sasayangin." Ngumiti kaming parehas.
Mas lumapit pa ako sakanya at hinalikan 'to. "I love you." Sabi niya nang maputol ang aming pag hahalikan. "Thank you, Brent. I'm ready to love you." Sabi ko at hinalikan siyang muli.
'Maaring matagal kaming naghintay sa isa't isa pero kapag nga naman dumating na ang tamang oras, ay napaka sarap.'
erin and brent's is officially ended! thank your for loving them.
