(。♡‿♡。)
Because I Love You So
1st One Alpha and Jayson FanFiction.
DESCRIPTION.
🎶 "Tila ba'y hindi kayang itago pa. Sa bawat pagbuhos ng ulan ay para bang..." 🎶
"Ang nakaraan nga ba'y isang bangungot na wala ng katapusan?" Mahina iyong sinambit ni Jayson habang nakatingala sa maulang kalangitan.
"Hindi ko sinadya. Nawalan ako noon at ikaw naman ngayon." Ilang dipa ang layo mula sa kinaroroonan ng binata ay naroon si Alpha sa kotse nito. "Hindi ko hihingin ang kapatawaran mo. Kay Leila lang ako hihingi ng kapatawaran."
Habang patuloy sa pagbuhos ang malakas na ulan ay nananatili sa kasalukuyang sitwasyon ang dalawang binata. Bawat isa'y may iniisip. Ilang sandali pa'y umalis mula sa pagsandal sa puno si Jayson habang bumaba mula sa kotse si Alpha. Nagkaroon ng iisang kilos ang dalawa at nagkatinginan. Naroon ang magkaibang emosyon sa kanilang mga mata.
Makalipas ang ilang sandaling pagtitinginan ay naunang umiwas si Jayson at tumalikod. Dahandahan siyang naglakad palayo ngunit napahinto dahil sa narinig.
"I'm sorry."
Pinakiramdaman niya ang paligid. Nanatili siya sa kinaroroonan. Naisin mang lumingon ngunit tila'y ayaw ng kaniyang puso't isip.
"Patawarin mo ako."
Bumuntong-hininga na lamang siya at ipinagpatuloy ang paglalakad palayo.
(。♡‿♡。)
Note: This is not a BL story. Just want to clarify, lol. Anyway, you'll find out more once you read this story. ( ˘ ³˘)♥
-sophiaawp.
Because I Love You So
Written by: sophiaawp (Sophia A.)
Status: Completed
Started: 2024 May 05
Finished: 2025 February 01©2024, sophiaawp. All rights reserved.

YOU ARE READING
Because I Love You So (1st One Alpha & Jayson FF)
Fanfiction[completed] Because I Love You So 1st One Alpha and Jayson FanFiction 🎶 "Tila ba'y hindi kayang itago pa. Sa bawat pagbuhos ng ulan ay para bang..." 🎶 para bang, ano? Halina't alamin mula sa istoryang ito. (◔‿◔) ©2024, sophiaawp. All rights re...