B I L Y S - 15.

19 2 0
                                    

(⁠。⁠♡⁠‿⁠♡⁠。⁠)

BECAUSE I LOVE YOU SO

CHAPTER 15.

"Pupunta ka ba this Saturday, Cyrone?" Pagkababa ni Alpha mula sa hagdanan ay kaagad niyang nilingon si J. "May party si Max sa resort niya."

Nang makarating sa living area ay umupo siya sa pang-isahang sofa at kinuha ang wine glass na mayroong red wine. Nasa mahabang sofa sa kaniyang kaliwa sina J, Jane at Gifterson. Natuon ang kaniyang atensyon sa malaking bintana. Dahil sa nakagilid ang mga itim na kurtina ay nakikita niya ang mga patak ng ulan. Malapit nang kumagat ang dilim sa sandaling iyon. Muli niyang nilingon ang tatlo.

"Sinu-sino ang mga imbitado?" Iyon ang kaniyang itinugon at tuluyang ininom ang hawak na wine glass. "He's not my friend and I don't even know him."

"Kaibigan namin siya ni Ace." Dahil sa narinig ay nagpintig ang kaniyang mga tenga. "I'm demanding you to go to the party, Cyrone."

"And why should I?"

"I'm going to introduce my girlfriend. Everyone in our circle must know, right?"

"Some 'secrets' are spreading out because of the shitty circle." Nakita niya ang pagngiwi ni Jane na nasa pagitan ng kuya nito at ng kaniyang kapatid. "I heard she's an actress and a model, right? Why introducing her then?"

"Not everyone will be there." Nilingon niya si Gifterson dahil doon. "Fifteen people are only invited."

"Really?" tumawa siya. "Will Jayson and Leila be there?"

"Yup. I'm going so they will, too." Mas tumawa siya dahil sa tugon ni Jane. "What are you laughing at?"

"Nothing."

"Sir, may tao po sa labas. May dala po itong kotse." Napalingon sila dahil sa sinabi ng isang lalaki. "Hinahanap niya si Sir J."

"Papasukin mo," tugon ni J.

"Sige po."

"Who's that?" Hindi niya naitago ang pagtataka. "Remember, this is our secret house. Who's that person, J?"

May narinig silang yapak ng takong ng sapatos. Ilang sandali pa'y nakita niya ang isang babaeng nakasuot ng white dress na aabot ang haba hanggang tuhod. May hawak itong white bag at black bucket hat na tinanggal nito mula sa ulo. Hinawi nito ang buhok at ngumiti nang pagkaganda-ganda. Nakita niyang lumapit ito kay J at umupo sa kandungan nito.

"Hi, honey. I missed you." Humalik ito sa labi ng kasintahan.

"I missed you too." Tumugon naman ito.

"Damn. We're here." Tumawa naman ang dalawa dahil sa sinabi niyang iyon. "You're the same woman I saw in the hospital. Clara, right?"

"Ang sabihin mo, nagseselos ka lang." Sinamaan niya ng tingin si J na mas ikinatawa nito. Hinawakan nito sa bewang si Clara at ngumisi sa kaniya. "Yes, she is. She's my girlfriend."

Hindi siya umimik at ngumiwi na lamang.

"Hi, Clara! I'm Jane." Naglahad ng kamay si Jane kay Clara. "I hope maging friends tayo. Let's be friends!"

"I know that you're J's younger sister." Ngumiti naman si Clara. "Sure, let's be friends."

"Great! Walang bawian, ah?"

Because I Love You So (1st One Alpha & Jayson FF)Where stories live. Discover now