(。♡‿♡。)
BECAUSE I LOVE YOU SO
CHAPTER 10.
Pagkatapos kumain ng lunch ay kasalukuyang nasa living area sina Jayson at Leila. Ilang minuto na ang nakalipas mula noong umalis si Ace sakay ng kotse nito. Abala naman ang mga katulong at bodyguard sa kanilang mga gawain.
"Jayson..."
Hindi tumugon ang binata kaya bumuntong-hininga na lamang ang dalaga.
"Are you mad?"
"Why should I?" Tuluyan siyang lumingon. "I can't blame you both. I don't have any right to feel that, Miss Leila."
Nakaramdam siya ng lungkot nang titigan ang mga mata nito. Nakaramdam siya ng awa. Nais niya itong tulungan sa paraang makakaya niya. Marahan niyang hinawakan ang mga kamay nito at pinisil.
"Jayson, I still want to say sorry." Yumakap ito sa kaniya. Malugod naman niya itong niyakap pabalik. Naramdaman niya ang buntong-hininga nito. Ilang sandali pa ay lumayo ito at ngumiti. "Dahil alam mo na ang totoo, matutulungan mo ba ako?"
"Oo, Miss Leila. Tutulungan kita. No matter what it takes." Ngumiti siya. "Ano bang gusto mong gawin ko?"
"Stay with me. Don't leave me until I find the truth."
"Less than three weeks na lang ang natitira sa bakasyon ko." Naglapat ang kaniyang labi. "Kailangan kong bumalik sa Seoul before first week of June."
"Hindi ba pwedeng dito ka na lang? Dito ka na lang mag-aral."
"I can't, Leila." Bumuntong-hininga siya. "Let's use the remaining days to find the truth, okay? May dahilan na ako para samahan ka araw-araw."
Lumapit ito sa kaniya at patagilid siyang niyakap. "'Yon lang ba ang dahilan para samahan mo ako araw-araw?"
"Pwede bang gamitin kong dahilan ang paghahanap mo ng impormasyon? Gusto kitang makasama kahit sa kaunting panahon." Inakbayan niya ito at hinalikan sa noo. "I told you, I like you. And please, I hope you'll let me love you. But not for now. The fact that I'm here with you is already enough for me."
"Jayson..."
"At ngayong may dahilan kung bakit kailangan na ipalabas na wala na si Miss Liezel, mayroon na naman akong dahilan. May dahilan ako para protektahan ka. Paano kung nandiyan lang pala ang lalaking 'yon?"
Hindi tumugon ang dalaga.
"Mam Leila, may naghihintay sa inyo sa gate. Jane daw po ang pangalan." Nag-angat siya ng tingin dahil sa narinig.
Marahan niyang inilayo ang dalaga at tumingin kay Manang Bebang. "Susunod na lang po kami. Pakisabi na lang kay Jane."
"Sige po."
Sumunod siya sa dalaga na naunang umakyat sa hagdanan. Dumiretso siya sa kaniyang kwarto at isinara ang pinto. Kumuha siya ng yellow polo shirt at black shorts sa wardrobe. Ilang sandali pa ay tuluyan siyang humarap sa salamin at ngumiti. Kinuha niya ang white rubber shoes at isinuot iyon. Pagkatapos magsintas ay kinuha niya ang kaniyang wallet maging ang cellphone at inilagay sa mga bulsa ng suot na black shorts. Isinuot niya ang kaniyang eyeglasses pagkakuha sa clear case nito.
Muli siyang humarap sa salamin at inayos ang kaniyang buhok. Hinayaan niyang natatakpan ang kabuuan ng kaniyang noo at muling ngumiti. Sandali niyang iginala ang paningin sa kabuuan ng kwarto bago tuluyang naglakad palabas ng pinto. Akma siyang maglalakad pababa ng hagdanan nang makita si Leila na lumabas mula sa sariling kwarto. Bahagya siyang nagulat at ngumiti kalaunan.

YOU ARE READING
Because I Love You So (1st One Alpha & Jayson FF)
Fanfiction[completed] Because I Love You So 1st One Alpha and Jayson FanFiction 🎶 "Tila ba'y hindi kayang itago pa. Sa bawat pagbuhos ng ulan ay para bang..." 🎶 para bang, ano? Halina't alamin mula sa istoryang ito. (◔‿◔) ©2024, sophiaawp. All rights re...