Althea's POV".. so grabe pala noh? Kung ako yun, sasabihin ko agad na mahal ko siya" Sabi ni Gab. Magkasama kami ngayon dito sa RK, pinaguusapan namin si Jade. Na open ko kasi sakanya yung about samin, and tanggap niya kung ano ako.
"Ibig mong sabihin, you would take the risk kahit na mahirap?"
"Oo naman, kasi kung hindi man niya ko mahal at least nasabi ko. Hindi ko naman hihilingin na mahalin din niya ko eh, ang mahalaga sakin malaman niya yung feelings ko"
"Ako kasi sobrang natakot ako na malaman niyang mahal ko siya. Natatakot ako na malaman niya kung ano siya sakin. Ayokong masira yung friendship namin just because mahal ko siya. At isa pa, natakot ako na baka kung anong isipin niya sakin" Napayuko ako sa sinabi ko.
"Naisip mo ba kahit isang beses, pano kung mahal ka din niya?"
Tumingin ako kay Gab. Honestly, hindi ko naisip yun. Kasi alam kong imposible. Sobrang imposible."See, hindi diba? Alam mo Althea, dapat hindi mo sinara yung isip mo sa possibilities na pwede ka din niyang mahalin."
"Ewan ko ba Gab. Ang duwag ko noh? Wag kang tutulad sakin ha." Sabay tawa namin pareho.
May mga narealize ako sa sinabi sakin ni Gab. Tama naman siya eh, pano nga kung mahal din pala ako ni Jade? Pano kung all this time pareho kami ng nararamdaman sa isa't isa? Pero nandun pa din yung doubt eh.
"Hindi talaga ako tutulad sayo noh. Mas gugustuhin ko pang, i take yung risk kesa mabuhay nang hindi ko manlang nasabi sa taong mahal ko na mahal ko siya. Diba mas mahirap yung, makita yung taong mahal mo one day na ikakasal na sa iba, or masaya sa iba? Sobrang nakakadurog kaya ng puso yun" Napatingin ako sa kanya tapos medyo natawa. May point naman siya, medyo hugot lang.
"Nangyari na sayo yun noh?"
"Oo. At ayoko nang maulit yun"
"Ang drama na natin masyado Gab. So, ano tara na! Roadtrip nalang tayo kesa naman umiyak ka dito"
Tumayo na kami then sumakay sa kotse ni Gab. Mag iikot lang kami dito siguro, kung saan kami aabutin. Bigla kong naalala yung araw na sinubukan kong sabihin kay Jade yung nararamdaman ko...
* F L A S H B A C K *
"Bes, mamaya ha dinner tayo sa bahay." Sabi ni Jade. Niyayaya niya kasi akong mag dinner sa kanila, umuwi na kasi si Tito Oscar galing states at gusto daw akong makita. Since close naman kami ni Tito at hindi ako maka hindi kay Jade, pumayag ako.
"Oo na. Kailan pa ko humindi sayo ha?"
"Oo na. Alam ko naman na mahal mo ko bes eh" Sabay ngiti niya sakin. Yung ngiting nang aasar.
"Mahal ba kita?" Tanong ko sa kanya kahit na alam ko naman yung sagot.
"Hindi mo ba ko mahal Althea?" Seryoso niyang sabi.
"Mahal kita Jade. Hindi lang bilang simpleng kaibigan. Mahal kita higit pa sa kapatid, basta mahal kita Jade" Feeling ko umamin na ko sa kanya eh.
"Althea, mahal din kita." Ang seryoso niya. Hindi ko alam pero, bumilis yung tibok ng puso ko.
"Ah.. ehh.. Bes, alam k-ko naman na m-mahal mo ko" Nauutal kong sabi. Promise, natetense ako by this time.
"Basta kahit anong mangyari, mahal kita kahit na ang sungit mo pa minsan" Nginitian niya ko, at dun ko narealize na nasabi ko na sakanya na mahal ko siya.
Nasabi ko kay Jade na mahal ko siya. PERO bakit ganito? Hindi pa din ako kuntento sa pagkakasabi ko. Hindi ko ramdam na napaalam ko na sakanya.
* D I N N E R *
"So Althea kamusta kayo ng anak ko?" Tanong sakin ni Tito Oscar.
"What do you mean tito?"
"Yung friendship niyo."
"Okay naman po kami ni Bes, tho minsan nagkakatampuhan po kami dahil napaka childish niyang anak niyo tito" Tumawa kami pareho tapos napatingin ako kay Jade na nasa harapan ko, nagkatinginan kami tapos kinindatan niya ko.
"Spoiled kasi yang si Jade. Alam mo naman yan" Sabi ni Tita Amanda.
"Mama, Dada. Please stop." Naaasar na sabi ni Jade.
"Okay baby. Whatever you say. Matanong ko lang Althea, ito bang anak ko may napupusuan na?" Napatigil ako sa pagsubo ko sa kinakain ko.
"Hmm... hindi ko po alam Tito eh. Wala po siyang naku kwento sakin" Hindi ko naman kasi talaga alam. Wala siyang nasasabi sakin, at kung meron man ayoko nang malaman kung sino yun.
"Ahh basta Althea, wala akong ibang pinagkakatiwalaang kaibigan ni Jade kung hindi ikaw lang. Alam mo yan. Bantayan mo yan ha"
"Opo tito. Willing akong bantayan si Jade kahit kelan, kahit saan. Mahal na mahal ko po yang anak niyo." Tumingin sakin si Jade.
"Para kang manliligaw sa anak ko ha?"
"Tito, mahal ko po kasi si Jade bilang kapatid ko"
"Salamat sayo Althea" Nginitian ako ni Tito Oscar. At pinagpatuloy na namin yung pag kain namin.
Habang kumakain ako, hindi ko maiwasang maisip yung mga sinabi ko kanina. Na dalawang beses kong nasabi na mahal ko siya. Yung feeling na ako hindi ako mapalagay dahil sa sinabi ko, pero siya mukhang hindi siya bothered. Alam kong wala lang naman sakanya yumg sinabi ko eh, dahil hanggang kaibigan lang yung tingin niya sakin.
* E N D O F F L A S H B A C K *
BINABASA MO ANG
Soul mate
RandomOne year ago, I fell in love with my bestfriend but I didn't tell her.