Wila's POVAko si Wila, kaibigan ako ni Althea at Jade. Sobrang close kami niyan, isama mo na si Batchi. Highschool palang kami magkakasama na kami, hanggang ngayon na may kaniya kaniya na kaming trabaho, pero wala pang pamilya. Naging witness ako sa mga napagdaanan ni Althea at Jade, mula sa simpleng tampuhan nila hanggang sa pag amin na naganap. Madami akong alam na hindi nila alam.
"Mahal, ang boring noh?" Sabi sakin ni Batchi. Magkasama kami dito sa condo niya, minabuti nalang namin na mag stay.
"Oo nga mahal eh, gusto mo papuntahin natin dito si Althea?"
"Wag na mahal. Baka may ginagawa yun eh"
"Naisip ko lang, nakakamiss yung apat pa tayo dito. Yung kasama pa natin si Jade noh."
"Oo nga eh, nakakamiss yung mga kulitan natin. Pero alam mo mahal, iniisip ko pa din kung ano kayang pwedeng nangyari kung umamin lang si Althea kay Jade."
Siguro nga iba yung mga mangyayari sa ngayon kung naging matapang lang si Althea sa mga nararamdaman niya para kay Jade.
Dahil na din sa takot ni Althea na mahusgahan siya ng sarili nyang kaibigan at maging malayo sila sa isat isa, minabuti niyang wag nalang sabihin at maging tahimik.
Sa panahon natin ngayon, nakakatakot umamin ng nararamdaman sa isang tao. Natatakot tayong mahusgahan. Sa kabila ng mga takot na to, mayroong tapang na hindi natin mailabas.
- - -
Althea's POV
Is it possible to unlove a person that had made a really huge impact in your life? I don't even think the word "unlove" exists...Its been two months already since nakilala ko si Gab. since then madalas na kaming magkasama. Nag eenjoy akong kasama siya and nakakalimutan ko yung pangungulila ko kay Jade.
".. so what can you say?" Sabi ni Gab habang nakatingin sakin. Nandto kami sa RK, sinasamahan nya ko dito kapag nagvivisit ako. Pinaguusapan namin yung about sa babaeng minahal niya ng sobra, yung babaeng dapat papakasalan niya pero nauwi sa wala.
"well hindi ko kasi naranasan yan eh, pero sa tingin ko sobrang hirap at sakit niyan. Minsan talaga may mga bagay na gustong gusto natin pero hindi pwede. That thing called TADHANA"
"Siguro kaya tayo iniiwan ng taong mahal natin kasi may mga pagkukulang tayo na sa iba nila matatagpuan." Sabi ni Gab habang nakatingin sakin.
Hindi ko maiwasan na hindi maisip si Jade. Tama naman si Gab eh may mga bagay talaga na hindi natin kayang ibigay sa mga mahal natin na nahanap na nila sa ibang tao. Pero diba kapag mahal mo dapat lang na ibigay mo lahat? Pero san pa kaya akong nagkulang? Nagkulang ba talaga ko o hindi niya lang nakita yung mga nagawa ko?
F L A S H B A C K
Kanina pa ko kinakabahan at basang basa na yung kamay ko dahil nga sa kaba. Nandito ako ngayon sa tapat ng bahay na tinutuluyan daw nila Jade dito sa states. Hindi ko na kasi talaga kaya, I want to tell her everything about how much I adore her. Its now or never. ...Humakbang ako, bawat hakbang na ginagawa ko ay parang gusto kong umatras. Gusto kong wag nalang tumuloy at magpakaduwag, pero kailangan ko to... Kumatok ako sa pintuan na nasa harapan ko, eto na to. Sa pag bukas ng pintuan, ramdam kong lumakas yung kabog ng dibdib ko, naramdaman kong mas kinabahan ako.
Isang babae na may katandaan na ang bumungad sakin.
"Hi good morning, what can I do for you?" Ngumiti sakin yung babae at ngumiti din ako bilang pagbati.
"Hello. I am looking for my friend, Jade Ramos is she in here?" I said politely as I can.
Nag iba yung facial expression ng babaeng nasa harap ko na para bang nagtataka sa sinabi ko.
"Sorry but there's no Jade Ramos here. Maybe you're referring to a wrong address"
"Wait, I'm sure she lives here. This is the address she gave me. Look" Pinakita ko sakanya yung papel na hawak ko na may address na nakasulat. Hindi ako pwedeng magkamali, dito nakatira sila Jade. Ito yung binigay nyang address bago siya umalis.
"You're maybe referring to the former owner of this house then... Amanda and Oscar used to live here."
"Yes ma'am! Where are they?"
"Oh I'm sorry, they sold this house a week ago. And I dont know where they live now"
"Well then, thank you very much for your time. And sorry to interrupt you with what you're doing" Nginitian ulit ako ng babae bago siya tumalikod at bumalik sa loob ng bahay.
Lumipat sila Jade? Saan? Bakit? Hindi ko alam kung saan ko sya hahanapin. Sobrang down ako, sobrang naguguluhan ako. Hindi na din siya nagpaparamdam sakin. Anong nangyari sa bestfriend ko? Anong nangyari sa taong mahal ko?
E N D OF F L A S H B A C K
-
.
.
.
.Author's note:
Hi guys! Sorry for the very late update, Ive been experiencing some stuffs. Ive been stressing so much. And nawalan po ko ng phone so yeah. Sorry!✌ nasa drafts ko na po yung ibang parts. Edit nalang po. Thank you sa patience. God bless.
Twitter: @lorainecmadiam
BINABASA MO ANG
Soul mate
RandomOne year ago, I fell in love with my bestfriend but I didn't tell her.