Kabanata 75

246 12 0
                                    

Kabanata 75. Confession

Kinabukasan.

Maaga pa lang ay tumungo na kami sa palengke ni Reyniel, talagang paborito siya ni mama at siya pa mismo ang nag-volunteer na tumulong dito sa pagtitinda. Tama lang din ang dating niya, dagsaan din kasi ang mga tao ngayon dito lalo na't marami ang turista dahil sa nangyaring musical event.

"Teka, talaga bang dahil kay mama kaya ka pumunta dito? Ang ibig kong sabihin, sobrang laki ng pamasahe na kailangan para lang makadayo dito sa'min," tanong ko kay Reyniel habang inaayos sa pwesto ang mga gulay.

"Hm, oo naman. Pero tungkol sa pamasahe? Gumamit ako ng ibang paraan, alam mo 'yung music event na nangyari d'yan no'ng isang gabi, 'di ba?"

"Oh?" Pagtataka ko.

"Kasama ang Harmonya sa napiling magtatanghal, wala naman talaga akong balak sumama. Not until, tinawagan ako ni tita Beth na dito magtatanghal ang banda. Saktong sinabi niya sa'kin ang lokasyon ninyo, kaya ayan. Sumabay ako sa pag-travel ng banda, actually pa nga. Nando'n sila sa hotel,"

"Eh? Ibig sabihin ang dami niyo? Nasaan pala si Ivy? Tsaka ba't naman hindi kita napanood do'n sa event?"

Natawa siya, "Iilan lang kaming pumunta. Si Ivy ay busy sa school bilang bagong President ng SSC. 'Wag kang mag-alala, dahil magaling naman talaga siyang lider. Tungkol naman sa kung ba't 'di mo ako napanood, nag-stay kasi ako sa hotel no'ng gabing 'yon dahil sa pagod. Sobrang tagal kaya ng byahe bago makarating dito," sagot niya sabay abot ng karne do'n sa batang bumibili.

Si Ivy na pala ang bagong President ng SSC. Well, base sa sinabi ni Reyniel ay naka-focus siya sa tungkulin niya do'n. Siguro naman ay wala akong dapat ikabahala, 'di ba? At isa pa, sa dami ng fans niya sa campus hindi malabong hindi siya sundin ng mga 'yun! Baka nga kapag nagsagawa 'yan ng movement ay daan-daang mga estudyante agad ang susunod.

Naging abala kami ni Reyniel sa palengke, pero hindi naman namin naramdaman ang pagod. Iyon ay dahil punong-puno kami ng kwentuhan at tawanan, kaya nga malayang nakakapunta si mama sa mga kumare niya at kami ni Reyniel ang ginawa niyang tagabantay dito.

Bandang hapon.

Nagpasya kami ni Reyniel na pumunta sa plaza, ang sabi kasi sa'min nila Menggay ay kaunti na lang daw ang tao do'n dahil tapos na ang event. Gusto rin makita ni Reyniel 'yung malaking entablado kung saan nagtanghal 'yung banda nila.

"Kumusta ka naman dito? Kahit papaano ba ay nakakapag-adjust ka na? Tsaka balita ko, next week ka na raw papasok?"

"Oo, nakita ko na 'yung school. Hindi siya kasing laki ng Lakeshore, pero mukhang maayos naman ang environment,"

Natawa siya, "Baka may makita kang bagong bestfriend, magtatampo talaga ako. Hindi kita kakausapin, tss. Hindi ka na nga pumunta sa birthday ko last last week, pero 'di ko naman ginawang big deal 'yon,"

Napawi ang ngiti ko.

"Pasensya. Pero gusto kong malalaman mo no'ng araw ng birthday mo, pumunta ako ng simbahan at nagdasal na sana ipasabi niya sa'yo na binabati kita ng maligayang kaarawan. 'Yun na lang kasi ang naiisip kong way dahil kung sakaling tumawag ako sa'yo, aba baka hindi mo naman sagutin dahil sa tampuhan nating dalawa," sagot ko pa habang lumilibot kami sa plaza.

"Grabe, talagang ganyan ka mag-overthink? Alam mo, hindi ko naman kayang magalit sa'yo nang matagal. Sa dami ng sakripisyo mo sa'kin noon, sa bawat pagtulong mo sa'kin, parang wala akong karapatan na magtanim ng sama ng loob sa'yo,"

"Dapat lang. Ilang beses mo'kong pinaiyak 'no, sobra ka kaya manglait sa'kin dati lalo na no'ng wala pa akong glow-up!"

Napailing siya habang natatawa, dito kami nakarating sa isang malawak na bulwagan, malaki ito at open area. Nagbibigay ito ng aesthetic vibes dahil parang abandonado ang lugar pero malinis naman kung titingnan, "Totoo naman, pangit mo dati 'no. Kala ko hindi ka popogi nang ganyan, mas gwapo ka nga sa'kin kung tutuusin."

"Baliw. Tangina mo talaga,"

"Ikaw ah, palamura ka na. Pero ang cute mo pakinggan kapag sa'yo galing, 'pag nagmumura ka parang hindi nakakagalit,"

Tawanan kaming dalawa.

Dito kami naupo sa isang mahabang mesa, kung pagmamasdan ang kabuuan ng bulwagan. Kung pagmamasdan ay tila isa itong atraksyon kung saan pwede ka magpakuha ng mga larawan, gano'n.

"Sean," pagtawag ni Reyniel kaya lumingon ako.

Pero bigla na lang nag-flash ang kanyang cellphone at do'n ko lang namalayan na na-picturean na pala ako kaya naman tumawa na naman ang mokong.

"Aba, ayos 'tong picture mo ah? Partida hindi ka pa ready dito, pero para kang model!"

Nangisi ako, "Sira. Burahin mo nga 'yan, wala nga tayong maayos na picture nating dalawa tas puro ganyan pa kuha mo sa gallery mo sa'kin,"

"Edi, lumapit ka dito at mag-picture tayo," do'n ay inakbayan niya ako at dito sabay kami tumingin sa cellphone niya, "Game na? 1, 2... 3!"

"Pangit mo, Rivero..."

"Ang baho mo, Rosales,"

Asaran pa naming dalawa dahilan para mabalot ng tawanan dito sa bulwagan, no'ng mga oras na 'yon ay naka-ilang picture pa kaming dalawa! Inagaw ko ang cellphone niya at kung ano-anong pose ang ginawa namin. May seryoso, may nakatawa, may wacky, may pa-cute, at meron ding formal.

Katahimikan.

Ilang sandali pa ay dinala ako ni Reyniel sa malaking balkunahe, dito namin nakita ang kabuuan ng plaza. Ramdam din namin ang malamig na hanging tumutungo dito sa'ming direksyon.

"Kumusta ang love life mo?" Biglang tanong niya habang nakatanaw kami sa 'di kalayuan.

"Tss, ba't mo naman natanong 'yan? Parang ewan naman 'to," napapailing kong sabi.

"Wala lang. Tagal din nating hindi nagpansinan sa campus, 'no. Wala akong update sa'yo," sagot niya kaya naman natahimik ako no'n.

Ilang saglit pa.

"Reyniel,"

"Oh?"

"Sana 'wag kang magulat sa sasabihin ko. Kaibigan mo naman ako, eh. Hindi ko rin alam kung paanong nagsimula 'yon,"

Humarap siya sa'kin, "Siguro meron kang boyfriend, 'no? Ikaw ah! Nasa campus ba natin? Sino 'yan? Tsaka wala akong nababalitaan..."

Matapos no'n ay marahan akong humarap sa kanya, "Siya ang nagbigay nito sa'kin, hindi ko alam kung paano basta namalayan ko na lang na unti-unti nang nahuhulog ang loob ko sa kanya. Alam mo? Kakaiba siya sa lahat, ang ibig kong sabihin ay hindi ko inaasahan na ipaparamdam niya sa'kin ang pakiramdam na... Alam mo 'yun? In love? Sa buong buhay ko hindi ko naranasan 'yun, at hindi ko alam kung anong kabutihang nagawa ko sa past life ko para bigyan ako ng Universe ng gano'ng tao," ang salaysalay ko kay Reyniel habang hinawakan ang kwintas na suot ko.

Dito siya napatingin, "Tangina... that's a Contraves necklace! 'Wag mong sabihin na ang taong tinutukoy mo ang nagbigay sa'yo n'yan?" Gulat niyang sabi.

Tumango ako.

"What the fuck! Sino? Grabe, may mga ganyang ganap ka na pala sa buhay mo hindi mo manlang sinasabi sa'kin?" Excited niyang tanong at dito pa siya lalong lumapit sa'kin.

"Reyniel..."

"Oh?" Tanong pa niya at bakas sa kanyang mukha ang pagkasabik, "Sino ba kasi 'yan? Hanep, napakayaman naman ng taong 'yan,"

Iniwas ko ang tingin ko.

"Si Trevor Hirano," sagot ko at dito siya natahimik.

No'ng pinasadahan ko siya ng tingin ay kapansin-pansin ang pagkawala ng ngiti sa kanyang labi, napalitan ito ng hindi malamang ekspresyon kung galit ba o dismayado.

"M-mahirap i-explain lahat... mahabang kwento,"

"Stop. Ang bagay lang na maitatanong ko... Sean, bakit?" Seryosong tanong niya.

Napatingin ako sa kawalan.

"Reyniel... mahal ko si Trevor,"

© kopimakiyato

Loving Him Until When? (BXB) [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon