Kabanata 31

338 15 7
                                    

Kabanata 31. Polaroid

Naging masaya naman ang oras ko do'n sa mini-resto nila Veena, masasabi kong nag-enjoy ako. Ngayon, kasama ko pa rin si Trevor na maglibot sa buong campus. Ang mga estudyante ay nagsisibalikan na, nangangahulugan lamang na tapos na ang parada. Pero kahit na gano'n, 'di pa rin umalis si Trevoe kahit na tinatawag siya ng mga ka-team niya sa league.

"Baka may practice game kayo, bakit hindi ka pa sumama sa kanila?" Tanong ko habang naglalakad kaming dalawa sa hallway, building ito ng Art Department.

"Wala kaming practice game, payo talaga ng coach namin na mag-enjoy muna kami para nasa wisyo kami mamayang laro."

Napatango ako.

At dahil nga medyo dumadami na ang mga estudyante sa paligid, ayan na naman ang mga babaeng nagpapapansin kay Trevor. Ang iba ay pinagbigyan niyang mapakuha ng larawan, pero no'ng napansin niyang tila naiinip ako kahihintay sa kanya ay tinanggihan niya na ang mga ito.

"Sorry, medyo natagalan. Saan mo gustong pumunta? Nakakahiya, hinintay mo pa talaga ako," anas niya sabay akbay sa'kin.

Bahagya ko siyang nilayo, "Hinintay kita kasi ayun ang sabi mo, tsaka 'wag mo akong akbayan ba isipin nila na boyfriend kita,"

"Ayos lang sa'kin, kung ikaw ba naman magiging kasintahan ko aba walang laban lahat ng mga babaeng nagpapa-picture sa'kin,"

Napangisi ako.

"Sira, dami mong alam,"

Natawa siya, "Seryoso ako, Sean."

Napasulyap na lang ako sa kanya habang naglalakad kami at dito ko nakitang diretso lang ang kanyang tingin habang nakangiti.

Hanggang sa.

Hinatak niya ako nang mabilis dahilan para bahagya akong mabigla, dito niya ako dinala sa isa pang booth na pag-aari ng Art Department. Photobooth kumbaga, may iba't ibang disenyo at palamuti na talaga namang iiwanan kang nakangiti. Kung tutuusin, hindi ito basta booth lang dahil pumasok pa talaga kami sa malawak na silid at dito gaganapin ang mga photoshoot.

Punong-puno ng mga ilaw sa silid, mga camera, electric fan na malalaki! 'Yung parang nando'n sa mga commercial at endorsement, basta gano'n ang atake! Hindi ako makapaniwala na ganito kalaking budget ang nailaan nila, at talagang kumuha pa sila ng mga professional na photographer at dito ko nakitang tine-train nila ang mga estudyante at hinahayaang kumuha ng larawan.

"Ang cute ng standee do'n, tara try natin," nakangiting wika ni Trevor sabay turo ng isang polaroid standee, 'yung tipong papasok do'n sa gitna para magmukhang polaroid photo ang kakalabasan ng larawan.

"Sandali,"

"Tsk, akong bahala- masaya 'yun," hinila na naman niya ako papunta do'n, "boss, damihan mo picture namin ah!"

Matapos no'n ay naagaw namin ang atensyon ng ilang mga estudyante, kaya naman ang ilan sa kanila ay nakatingin sa'min ni Trevor. Ewan ko ba, medyo nakakaramdam tuloy ako ng hiya!

"Uy, ikaw pala 'yan pareng Trevor! Ang swerte naman ng fan mong 'yan, talagang dito pa kayo sa'min magpapa-picture! Sobrang worth it, buti na lang dito niyo napili at 'di kayo magsisisi lalo na ikaw," wika pa ng photographer sabay tingin sa'kin.

"Ha? Hindi po ako fan, siya ang kusang nagdala sa'kin-"

"Shh, alam kong nahihiya ka lang. Sino ba naman 'di kikiligin kapag katabi na si Mr. Hirano 'di ba? Oh, siya. Ngiti na kayo sa camera,"

Ang ilan sa mga estudyanteng nakatingin sa'min ay 'di maiwasan na kiligin at tumili, ang ilan naman sa kanila ay tila naiinggit at sinasabing sana sila na lang daw ang nasa sitwasyon ko! Medyo naiirita ako na ewan, ba't 'di na lang nila hatakin si Trevor? Hindi 'yung pagbubulungan pa nila ako.

Napakunot ang noo ko, "Aalis na ako," iiwas na sana ako pero hinawakan ni Trevor ang kamay ko.

"Sean, dito ka muna. Please?" Kitang-kita ko ang kinang sa kanyang mga mata, bakas sa mukha niya na talagang ayaw niya akong paalisin!

Napalunok ako.

Ano na naman ba 'tong nararamdaman ko? Ba't ba tila bumibilis na naman ang kabog sa dibdib ko? Ang mukha ni Trevor, ba't ba parang hindi ko siya kayang tanggihan? Tss, ano bang nangyayari sa'kin! Kaya naman no'ng mga sandaling iyon, hinayaan ko si Trevor na hatakin ako pabalik sa polaroid standee.

"Ready na? 1, 2- 3!" Sambit ng photographer kaya naman pilit lang ako ngumiti, pero syempre 'di ko pinahalatang pilit lang at nang sulyapan ko ang mokong na si Trevor ay kitang-kita ko ang saya sa kanyang mukha.

Kung ano-anong mga pose ginawa niya, ewan ko ba pero hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya. Nag-eenjoy siya sa kanyang ginagawa, kahit anong posing niya ay talagang bagay sa kanya. Kahit nakanguso, nakabanat ang ngiti, palakihin ang butas ng ilong, nakadila, at syempre ay nakangiting pormal at seryoso... lahat bumagay sa kanya!

Ilang sandali pa.

"Thank you, Jules. Mamaya na 'yung bayad ko, ah? Hehe, nood ka laro ko mamaya," sambit ni Trevor at no'ng mga sandaling iyon ay 'di ko namalayan na kanina pa pala ako nakatitig sa kanya!

Tila nagbalik ako sa ulirat.

Ingayan naman ang mga beki at babaeng naki-usisa sa'min, ang iba sa kanila ay panay ang tawag kay Trevor pero tinanggihan niya lang ang mga ito! Muli akong hinila ni Trevor papunta sa claiming area kaya naman 'di ko maiwasan ang mahiya habang naglalakad kami patungo do'n, bumibilis ang tibok ng aking puso at 'di ko malaman kung anong dahilan!

"Sabi sa'yo masaya, eh! Nag-enjoy ka ba, Sean? Dapat ita-try natin 'yung iba't ibang costume, kaso ang mahal ng singil nila sa'kin hehe kaya simple shots lang nagawa natin! Pero 'wag ka mag-alala, malaki ang cash prize ng mananalo sa game mamaya kaya kung gusto mo, balik tayo dito." Masayang sabi niya sabay hawi sa kanyang buhok at nang mapansin niyang medyo nag-aalangan akong tingnan siya ay hinawakan niya ako sa baba at hinarap sa kanya!

Sean, kumalma ka.

"Uy, ayos ka lang ba? Ba't ba parang ang lalim ng iniisip mo? Teka sandali," bahagya niyang hinawi ang buhok ko pagilid, "ayan, cute mo talaga." Nakangiting sambit niya.

"Ah, wala naman," sagot ko.

"Sorry, pagod ka na ba? Gusto mo pahinga muna tayo do'n sa garden?"

Inayos ko ang sarili.

Abala siya sa pag-claim ng mga pictures namin, "Trevor, ba't mo ba 'to ginagawa? Hindi ko maintindihan,"

Nagtataka siyang tumingin sa'kin, "Anong ibig mong sabihin?"

Napabuntong-hininga ako, "Lahat ng ito, bakit gusto mong mapalapit sa'kin? Kahit hindi ko naman sabihin ay iyon ang pinapakita mo," sagot ko dahilan para mangisi siya.

"Gusto kitang maging kaibigan, 'di ba? Alam mo bang lahat ng mga tropa ko mga loko-loko at gago, kapag nagkataon ikaw lang unang kaibigan kong matino," hirit niya sabay tumawa, bumalik siya sa pakikipag-usap do'n sa babaeng nag-aayos ng pictures naming dalawa.

Natahimik na lang ako.

© kopimakiyato

Loving Him Until When? (BXB) [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon