Kabanata 29

305 16 0
                                    

Kabanata 29. Butterflies

Medyo naiilang na ako kasi diretsong nakatingin sa'kin si Trevor, ewan ko ba. Kanina ko pa siya nahuhuling ganyan sa'kin, para ngang gusto ko na ngang tumayo sa upuan ko at tumakbo! Naiilang na kasi ako at medyo nakakaramdam ng takot, talagang ang seryoso ng aura niya na hindi ko maunawaan.

"Ba't ba ganyan kang makatingin sa'kin? May nagawa ba akong mali?" Tanong ko, talagang pinilit kong itago 'yung kaba ko.

Napabuntong-hininga siya.

"Sisig with rice, hindi ka naman kumakain no'n 'di ba? Ba't naman iyon ang in-order mo? Tapos hindi mo pa nilinaw kay Veena kung pork o chicken 'yung bibilhin mo,"

Natigilan ako.

"Veena, pork sisig 'yung sa'min ah! Tas para sa drinks, ikaw na bahala." Sigaw pa ni Trevor.

"Oo, sige! Ang ingay mo."

Bahagya siyang natawa.

Naiwan akong nagtataka. Muli kong inalala na hindi pa ako nakakakain ng sisig mula pa noon. Pero paano naman nalaman ni Trevor 'yun? Hindi ko naman 'yun sinabi kay Reyniel, pero hindi naman kasi 'yun ang ino-order naman sa tuwing magkasama kaming kakain.

"Sean, ano? Sure na 'yung order mo, ah? Baka kasi mamaya ay magpapalit ka, sayang naman 'yung bayad mo,"

Pinasadahan ko siya ng tingin, "Ah, oo." Maikling sagot ko.

"Kwento ka naman, Rosales. Gusto kitang makilala, eh. Tsaka ba't ayaw mong tumingin sa'kin? Para kang naiilang na ewan, napatawa na kita kanina tas ngayon iba na naman ang mood mo," nawala 'yung masayang aura niya, tapos 'yung seryosong mukha niya kanina ay napalitan ng pag-aalala.

"Hindi sa gano'n, sorry." Nawawala ako sa focus! Ba't ganito ang nararamdaman ko?

Marahan ko siyang sinulyapan, at dito nagtama ang aming tingin. "Sean, ayos ka lang ba?" Hindi ko alam pero bakas na sa mukha niya ang pag-aalala, ang kanyang mga mata ay may nais sabihin na hindi ko maunawaan. Ewan ko, nababaliw na ba ako?

Mata Sa Mata by 7th

'Di na naman mapakali
Pa'no ko ba sasabihin
Kinakabahan 'pag nasisilayan
Kailan kaya makakayanang
Sabihin na

Gusto kita na makasama hangga't 'di pa huli
Dito ka lamang tumabi sa 'kin kahit sandali
Oh woah oh
Sasabihin ko sa'yo
May pagtingin ako
Hiling makita mo
Mata sa mata

'Di namalayang nakangiti
Larawan mo sa aking isip
Pagod ka na ba matratong mali
Handa mo na ang 'yong sarili
Kasi

Gusto kita na makasama hangga't 'di pa huli
Dito ka lamang tumabi sa'kin kahit sandali
Oh woah oh
Sasabihin ko sa'yo
May pagtingin ako
Hiling makita mo
Mata sa mata

Oh woah oh
Hayaan mo akong
Iparamdam sa'yo
Pag-ibig na ito'y
Mata sa mata

Gusto kita na makasama hangga't 'di pa huli, ooh hoo
Dito ka lamang tumabi sa'kin kahit sandali

Ohh (gusto kita)
Sasabihin ko sa 'yo (gusto kita)
May pagtingin ako (gusto kita)
Hiling makita mo (gusto kita)
Mata sa mata (gusto kita)

Oh woah oh
Hayaan mo ako
Iparamdam sa'yo
Pag-ibig na ito'y
Mata sa mata

"Trevor, may girlfriend ka na ba?" Biglang tanong ko dahilan para tila bumalik ako sa ulirat! Hindi ko alam kung ba't natanong ko ang bagay na 'yon, ang random masyado!

Nakatingin lamang siya sa'kin nang may pagtataka, hindi siya sumagot na para bang iniisip niya pa ang sasabihin! Ba't ko ba 'yun natanong? Ba't biglang bumibilis ang tibok ng puso ko? Ba't ko ba nararamdaman ang mga 'to? At ba't niya ako tinanong kung kumakain ba ako ng sisig? Kilala niya ba ako? Eh, hindi naman kami close 'di ba? Ano ba 'to?

Bahagya siyang natawa.

Ang kanyang ngiti ay nakakatunaw, ang sarap niyang pagmasdan kapag ngumingiti habang nakasandal siya sa kanyang silya na animo komportable siya sa pwesto niya. Napapailing pa siya na animo hindi makapaniwala sa naitanong ko, ewan ko! Nagmukha tuloy akong katawa-tawa!

"Ayos ka lang ba talaga, Sean? Para kasing hindi ka mapakali d'yan, medyo nag-aalala ako sa'yo," tugon niya dahilan para bahagya kong ikalma ang aking sarili.

Katahimikan.

Ilang sandali pa ay tumayo siya sa pagkaka-upo niya, marahan siyang lumakad palapit sa'kin at dito niya nilahad ang kanyang kamay. "Tara,"

"Ha, bakit?"

"Lakad lang tayo dito sa loob ng resto, tingnan natin 'yung detalye ng mga dekorasyon. Ayoko ng ganyang parang hindi ka komportableng kasama ako," mahinong sabi niya habang nakatingin sa'king mga mata.

Ilang sandali pa.

Namalayan ko na lang na kusa akong gumalaw at hinawakan ang kamay niya, dito siya ngumiti at inalalayan akong makatayo. "Ang lambot ng kamay mo," sabi pa niya.

Tumango na lang ako.

"Kung may bumabagabag sa'yo, pwede mo namang sabihin sa'kin. At oo, bago mo ako unahan. Alam kong hindi tayo close, pero alisin mo muna 'yun at isipin mong ako ang bestfriend mo," malumanay niyang sabi at dito nga ay lumakad kami palibot sa loob ng mini-resto, pinuntahan ang mga dekorasyon at hinayaan ko siyang nakahawak sa kamay ko.

Ang bilis ng tibok ng puso ko, hindi ko talaga maintindihan! Pero ewan ko, kahit na ayoko sa kanya ay ayokong bumitaw siya sa kamay ko. Masyadong mabilis ang mga nangyayari ngayon kaya naman hindi ko maunawaan ang aking sarili! Sa tuwing sumusulyap ako kay Trevor, parang may hipnotismong bumabalot ako sa kanya dahilan para mahirapan akong iiwas ang aking tingin!

Tila nakakaramdam tuloy ako ng bahagyang pagkalito, pero ba't ba pakiramdam ko ay ligtas ako ngayong siya ang kasama ko? Hindi ko pa 'to naramdaman noon, 'yung mga senaryong naiisip kong si Reyniel ang kasama ko ay ngayon nangyayari sa'kin pero si Trevor ang kasama ko. Kakaiba 'tong nararamdaman ko, mabuti na nga lang at walang ibang tao dahil paniguradong babalutin ako ng hiya.

Tuloy lang kami sa paglibot, marahan lang ang paglakad namin habang pinapakinggan ang musika. Ang bawat salitang lumalabas sa kantang 'yon ay tila binabasa ang laman ng isipan ko.

Hanggang sa.

"Sean," pagtawag niya sa'kin.

Muli ko siyang nilingon.

"Bakit?"

Ngumiti siya.

"Wala akong girlfriend,"

No'ng mga sandaling 'yon, nahinto kami sa harap ng isang bookshelf, hinayaan ko siyang nakatingin sa'kin na tila ba pinag-aaralan ang aking mukha. Ngayong nakatingin kami sa mata ng isa't isa, kapansin-pansin ang kakaibang kinang na nakikita ko sa kanyang mga mata dahilan para pilit kong iwasan 'yon at ibaling ang aking tingin sa mga libro.

Tila tumigil ang paligid ko.

© kopimakiyato

Loving Him Until When? (BXB) [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon