"Unang Pag-ibig"

15 2 1
                                    

Unang araw sa eskuwela
Nang ika'y aking nakita
Puso ko'y iyong nabihag sinta
'Di mapigilang sa iyo'y humanga

Sa pasilyo'y ika'y laging inaabangan
Umaasang muli kang masilayan
Tila'y isang bituing nais kong abutin
Minsan pa'y hiniling ako'y mapansin

At sa tuwing ika'y nakikita
Puso ko'y tila natataranta
Sa tuwing mga mata'y magkapako
Dama ang bawat kabog nitong puso

'Di inaasahang ika'y aking makikilala
Ngiti mong kay ganda 'di na mabura
'Di inaakalang ako'y iyong magustuhan
Matamis ko'ng sagot iyong nakamtan

Sa bawat araw ika'y kasama
Puso ko'y kay ligaya
Unang Pag-ibig sa'yo nadama
Tanging-hiling makasama ka sa pagtanda

Ngunit tadhana'y sad'yang mapaglaro
Pusong puno ng saya'y biglang naglaho
Unang Pag-ibig ko'y aking pinakawalan
Hanggang sa huli'y labis na pinagsisihan

Mga puso'y muling nagkatagpo
Subalit bawa't isa'y mayroon nang bago
Tanging kabiguan ang siyang natamo
Ngunit Unang Pag-ibig kailanma'y mananatili sa puso

@syaleullein31

Love Express (Poetry Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon