Tingin

4 2 0
                                    

Sa iyong mga tingin
‘Di ko malaman ang gagawin
Sa tuwing mga mata’y magkapako
Labis ang kabog nitong puso

Bawat oras ika’y kausap
Iyong mga mata’y kumikislap
Hanggang sa tuluyang maanod
Sa iyong mga tinging nakalulunod

Labis na kabaitan iyong ipinakita
Tila paglalambing ang siyang nadama
‘Di inaasahang ako’y mahuhulog din
Sa malalim mong mga tingin

Tila isang lutang na napapaisip
Pati sa’king panaginip
Ika’y nais na makasama
‘Pagkat labis na kasiyahan sa’yo nadama

Maaari bang humiling sa mga tala
Na ika’y makapiling pa
Ngiti mong nais masilayan
Maaari kayang makamtan

Aasa pa ba kay Bathala
O, pipilitin na lang kalimutan ka
Iiwasang tumingin sa’yong mga mata
Upang damdamin ko’y ‘di na lumalim pa

‘Pagkat alam nating pareho
Hindi tayo hanggang dulo
Tadhana’y ‘di sumang-ayon
Maling panahon ang nataon

@syaleullein31

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 22 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love Express (Poetry Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon