Kabanata 18

4.1K 125 18
                                    

Kabanata 18

Dive

We enjoyed the remaining days in Paris. Hindi na kami naghiwalay ni Daxiel ng mga sumunod na araw.

Takot din naman siyang mawala ako.

Konti na lang... baka maniwala na ako sa pinapakita niyang pagpapahalaga sa akin.

Hangga't walang datung, kailangan kong protektahan ang puso kong marupok-pok. Napakadali sana noong gawin kung hindi guwapo ang nakakasalamuha ko sa bawat araw.

Bakit ba naman ang pogi ni Daxiel Gustav Jr.?

Matalino, mayaman, mabango pa at nanghe-headlock sa kama. Siya talaga ang kumakatawan sa tagline ng SM Supermarket --- he got it all.

Hindi naman natuloy ang buhay pang-telenobela kong naisip sa mga sandaling naliligaw ako sa siyudad.

Nakabalik kami sa bansa bitbit ang mga abubot ng binili ko sa Paris. I was excited to see our furbaby which I haven't seen in days personally. Sinundo lang kami ng driver at inihatid pauwi ng mansyon.

S'yempre, na-miss ko rin ang bunganga ni Maricel na sumalubong sa amin sa main door. Agad nila akong niyakap. Parang isang taon kaming hindi nagkita - kita. Maricel made sure to cook all my favorites.

Agad ko namang binitiwan ang mga hawak ko upang kargahin ang aming anak ni Daxiel.

Gosh, I missed our furbaby so much.

"Did you behave, baby?" pagkausap sa kanya ni Daxiel na parang sasagot ang anak namin. Gustav the Third just gave me his sweet kisses.

We played for a bit before going to the dining table to have our early dinner. Na-miss ko ang mga pagkaing luto ni Maricel. I was full. I was so thankful for the dinner they prepared for us.

Ilang minuto pa ang naging kuwentuhan namin, inabot ko na rin ang mga pasalubong namin bago ako tumungo sa kuwarto upang magpahinga.

Daxiel already took a shower.

Nakasabit pa ang tuwalya sa kanyang leeg, wala siyang pang-itaas na saplot. Nakatutok ang kanyang mata sa binabasang libro. Nasa lap niya si Gustav the Third, nakikibasa rin ng libro.

Ngumisi siya nang mag-angat ng tingin sa gawi ko.

"Hm, let's sleep na?"

Tumango ako. "Mag-shower lang ako, baby cakes. Nanlalagkit na ang pakiramdam ko."

I went to our bathroom to take a shower. Ramdam ko ang ang pagod sa mahabang biyahe, nasulit ko naman ang travel sa ibang bansa. I just wore a night gown and did my skincare routine. Pinulupot ko sa tuwalya ang aking buhok.

Kinuha ko ang blower at suklay, naupo ako sa kama.

"What are you reading?" tanong ko sa kanya.

Itinaas niya ang book na hawak upang mabasa ko ang title nito. It was one of the books we bought for our furbaby. Kapag may pagkakataon, binabasahan niya ng librong pambata ang anak namin.

Daxiel was treating him like a real child. Our furbaby was enjoying the illustrations on the book.

"Do you need help?"

"I'm tired, Daxiel... if you'd like to do my hair, I would really appreciate it." Ngumuso ako.

"Okay. I'll just put Gustav the Third to bed," sinabi niya at binuhat ang anak namin patungo sa kanyang space.

Tinanggal ko ang tuwalya sa aking ulo, ibinigay ko ang blow dryer nang bumalik siya sa aking puwesto. Sinunod naman niya ang instruction ko. He did it with such finesse. Siya na rin ang nagsuklay ng aking buhok.

The Gold-digging Mastermind ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon