Panliligaw!

2.3K 36 8
                                    

Araw araw nanliligaw si Vice kay Karylle araw araw silang nag tatawagan..nagtetext at nag uusap. Parati silang nagkikita at magkasama. Unti unti narin naging malapit ang loob nila sa isat isa at dahil nga naging mag bestfriends sila ng sobrang madalian ay ganun parin ang turingan nila.. mga mag bestfriends na unti unting nahuhulog sa isat isa.

Isang gabi.. sa swimming pool sa isang resort kung saan nagbabakasyon ang dalawa at kasama narin sila Vhong.. Anne na kakauwi lang at si Gel kasama ang boyfriend nitong si Phil.

"umm... next week na alis ko" sabi ni Karylle na may lungkot sa kanyang mukha habang naka lublob ang katawan sa tubig  at tumitingala kay Vice na naka upo at naka lublob ang paa sa pool.

"ganun ba.." sabay tingin ni Vice sa malayo.

Umahon si Karylle.. kitang kita ang maganda niyang kurbada sa suot nitong two piece black swimsuit. Umupo ito sa gilid ni Vice

"mga one month din akong mawawala.." sabi ni Karylle habang tinititigan din ang tinititigang direksyon ni Vice.. "anong tinitingnan mo?"

"wla naman.." agad siyang tumingin sa mga mata ni Karylle at tumingin sa langit.. kitang kita ang kalawakan nito at ang maraming bituin. "ang ganda ano?"

"oo nga eh.. ang ganda" sabay tingin ni Karylle sa langit "tingnan mo oh! may constelation dun! ung.. umm..  ung big dipper! ang ganda!"

"oo nga.. ang ganda" sabay tingin nito kay Karylle

"Vice naman eh!! sa iba ka nakatingin!' sabay tingin kay Vice "tingnan mo kasi! ang ganda kaya!"

"ay sorry! ibang maganda kasi ung nakita ko eh.. " tumingin sa langit

"ayy! ayun pa oh! ung crater! .. nakita mo?" sabay turo nito sa constellation

"asan?" sabay tingin sa direksyon na tinuturo ni Karylle pero wala itong makita..

"ayun oh!" sabay lagay ng kamay ni K sa batok ni Vice sabay hila nito palapit sa mukha niya at tinuro uli yung constellation.

"eeii wala talaga eh! ano ba naman yan K.. eto.. ayun me nakita ako.. nakita mo ba yun?" sabay turo sa isang parte ng kalawakan "ayun oh! nakita mo ba ung rabbit?"

"huh! ikaw talaga Vice haha kung ano ano ang tinuturo mo eh wala naman ata yun sa listahan ng constellations nuh!" sabay bitaw kay Vice

"alam mo kasi .. hindi naman lahat ng dapat mo makita nasa listahan ng constellations na yan.. maari kang lumikha ng mga bagay bagay gamit ang iyong imahinasyon.."

"asus! ayan ka na naman ah!"

"siguro mabuti pa... pumasok na tayo? kasi lumalalim na ang gabi eh.. teka lang"

tumayo si Vice at kinuha ang tuwalya ni Karylle.. tumayo si K at tumingin parin sa langit. Niyakap siya ni Vice mula sa likod at binalot ang tuwalya sa katawan ni Karylle.

"para hindi ka lamigin" sabay bitaw nito sa pagkakayakap sa kanya

"salamat .." naiilang na sagot ni K.

Pumasok naman sila sa loob ng kwarto at laking gulat nila ng nalaman nilang sa iisang kwarto lang sila matutulog dahil wla ng vacant room

"kainis naman sila ate.. bat di nila sinabi agad!" sabi ni Karylle habang pinapatuyo niya ang kanyang buhok.

"oo nga eh.. itong si Vhong nakaka buisit! haha hindi manlang ako pinagsabihan na ganito pala! sus! di sana nakapag handa ako! *evil smile*"

"ikaw Vice ah! *hampas kay Vice ng berry light* baka kung ano ang gagawin mo sakin mamaya! nako sinasabi ko sau!"

Ikaw Ang Buhay Ko (ViceRylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon