Goodbye Philippines! Hello Singapore!

2.1K 18 0
                                    

Araw na ng pag alis ni Karylle. Handa na ang lahat at pababa na siya dahil ihahatid na siya papuntang airport. Tahimik lang na naghihintay si Vice sa sala at naglalaro lang ng cellphone niya

"oh.. bat ka andito?" isang tingig ang kanyang narinig.. si Karylle ito. Sumunod si Aaliyah na may bitbit ang mga maleta ni Karylle. Napatingin lang si Vice kay K at nginitian niya ito

"masama bang hatid sa airport ang future girlfriend ko?" sabay tayo niya at inayos ang buhok niya. Ngumiti na naman siya at iniabot kay Karylle ang isang berry rose.

"naks naman!! tsaka! anong future girlfriend ang sinasabi mo? ha?" sabay tawa ni K

"bakit? wala ba akong chance" sabay pout niya

"anong walang chance! ehh.. pwede bng irephrase mo ung sinabi mo? pwede bang "masama bang ihatid sa airport ang GIRLFRIEND ko" sabay taas ng dalawang kilay at pinulupot  niya ang kamay niya sa batok ni Vice

"so ibig sabihin?"

"Vice.. ayoko na patagalin pa to.. simula naman nung naging magkaibigan tayo unti unti nang nahuhulog ang luob ko sayo eh."

"pero.. ilang buwan palang na wala kayo ni Migs ah?"

Sumimangot si Karylle "ayaw mo ba? Im sure naman maiintindihan ni Migs ung nararamdaman ko para sayo diba?"

"thank you K.. salamat"  nagyakapan ang dalawa"

ehem!! K.. may hinahabol po tayong flight.. pls lang?"  sabi ni Anne na tumatayo mula sa pinto at naka halukipkip

"ay.. sorry naman po ate.. tara na?" paanyaya ni K kay Vice. Magkahawak ang kanilang mga kamay na naglakad papuntang sasakyan. Umupo sila at dumiretso na sa likod kung saan sila magkahawak parin ang kamay. Nakasandal si Karylle sa balikat ni Vice

"babe.. mamimiss kita" malungkot na tugon ni Karylle

"ano ka ba naman! one month lang eh..  744 hours lang yan!!  ano ka ba.." pagpapatawang sabi ni Vice kay K

"eiih naman ehh! mahirap din naman un"

"babe.. bagong bago palang tayo eh.. makapag mamimiss kita ka naman parang ilang taon tayong nagsama"

"*sumimangot si K* che.."

"eto naman! joke lang nga babe eh!" sabay pinch niya ng ilong ni Karylle at pinitik ang tenga ni K

"aray!! ang sabihin mo hindi mo lang talaga ako mamimiss" naka pout paring sabi ni Karylle at inalis nito ang pagkakapatong ng ulo niya sa balikat ni Vice. Tumingin siya sa bintana at tinititigan ang kapaligiran

"joke lang.. eto naman matampuhin masyado.. mamimiss din kita siempre ano ka ba naman.. sorry na" sabay pinatong ni Vice ang chin niya sa balikat ni Karylle pero inirapan lang siya nito. "K naman eh!! bago lang tayo tampo ka agad?... huy!! churi na!!" sabay pa cute pa nito

Lumingon si K.. "ehh! sige na nga" sabay balik uli ng ulo niya sa balikat ni Vice. Tumahimik lang ang dalawa hanggang sa makarating sila sa airport

"Bye na babe?" malungkot na tugon ni Anne kay Vhong at nagyakapan silang dalawa. Sa di kalayuan naman ay malungkot din na nagyayakapan si Vice at K

"I love you.. ingat ka dun sa ano ah.. wag ka masyadong gumala dun pag wala kang kasamang lalake ah? kasi bka may masamang mangyari sayo dun babe.." si Vice habang malapit nang umiyak

"ok.. promise ko yan.. tsaka andun naman si Christian eh" si Christian ay isang kaibigan ni K na isang sikat na artista sa Singapore at kasama niya rin sa pagmomodel

"ah.. sige mag ingat ka nalang ha?" sabay halik niya sa noo ni K.

Malungkot ang mga mata niya habang tinitingnan na paalis si Karylle. Ilang minuto pa ay naka sakay na si K sa eroplano. Nagplug lang siya ng earphones at pinikit niya ang kanyang mata. At dun bumalik lahat ng alala ni Migs.

-------------------- Flashback ---------------------

Karylle's POV

Isang halik ang natanggap ko at mula ito kay Migs. Birthday ko ngayon at kumakain kami sa isang garden na may lights. Ang sarap ng pagkain. Hindi ko na inisip ang mga problema ko sa oras na iyon dahil sa sobrang malambing siya at he makes me feel special sa araw na ito.

"para sayo?" binigyan niya ako ng isang boquet of berry rose favorite flower ko to kaya sobrang happy na naman ako

"thanks Babe! I love it!" sabay hug ko sa kanya.

"buti naman nagustuhan mo .. lets eat?" kumain kami.. ansarap ng food. Parang mahal.. I want to ask him sana pero alam kong ayaw niyang pag usapan ang ganoong bagay

"may gift ako sayo mamaya" sabay kindat niya sa akin

"huh? hindi pa ba to gift?" pagtatakang tanong ko. Masyadong marami na ang ibinigay niyang materials at pagmamahal sakin. Ang sweet niya talaga. Matapos kaming kumain ay hinawakan niya ang kamay ko at hinila niya ako papuntang sasakyan

"babe teka? san tayo pupunta?" tanong ko sa kanya habang hawak hawak parin niya ang kamay ko

"basta..."

Wala akong nagawa kundi sundan lamang siya. Sumakay kami sa sasakyan at dumiretso sa isang lugar. Yun ung lugar na una kaming nagkita.

"remember?" ranong niya sabay ngiti

"oo naman! bat ko makakalimutan to?"

"heto oh.." sabay abot niya sakin ng isang box. Agad naman akong namangha.. box palang alam mong mahal na.

"babe naman.. sobra na to" pero inabot ko parin ung box. Alam kong magtatampo siya pag hindi ko tinanggap

"no.. open it" agad ko naman sinunod ang utos niya. Binuksan ko ang box at ang laman nito ay isang bracelet

"a bracelet?" tanong ko sa kanya.. ilang beses niya na ako binigyan ng bracelet eh..

Kinuha niya ang bracelet at may ipinakita sakin "look.." merong pangalan ko na naka imprinta sa likod ng bracelet. Napaka ganda ng pagkakagawa napansin ko rin ang isang date sa gilid. Araw un ng birthday ko.

"asan ung name mo?" pagtatakang tanong  ko.

"hindi ko nilagay.."

"bakit?"

"dahil kung nilagay ko diyang ung pangalan ko.. tas pag hindi na tayo baka itapon mo.. kaya gusto ko suot suot mo parin yan dahil may pangalan mo"

"ano ka ba naman.. hindi yan mangyayari" sabay yakap ko sa kanya.. hindi ko alam kung bakit ganyan ang pinagsasabi niya

--------------------------- End Flashback ------------------------------

Author's POV

Tumulo ang luha sa ga mata ni Karylle.. hindi niya alam kung bakit hanggang ngayon na sagot na niya si Vice ay naalala niya parin si Migs

"K?" pagtatakang tanong ni Anne "bat ka umiiyak?" dagdag pa nito

"ah.. wala naman ate.. may naalala lang ako"

"si Migs?" tumango ng bahagya si Karylle "K.. sinagot mo na si JM kaya hindi mo na dapat inaalala pa si Migs.. ano ka ba? mahal mo ba talaga si Vice oh hinde?"

"mahal.."

"yun naman pala.. edi dapat hindi mo na iniiyakan si Migs.. hindi tama yan"

"opo ate" pinunasan ni K ang luha niya. pinikit niya ang kanyang mga mata at natulog

------ End Chapter -----

Sorry guys kung maikli lang tsaka late UD lang kasi may problema pa si Author .. sorry to keep you waiting guys!!  Author labs you!!

Ikaw Ang Buhay Ko (ViceRylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon