P#3_IL [2]

140 1 0
                                    

INDIA LEVADA
7:00AM palang ay gising na ako. Usually kasi mga 10 or 9 na ako nagigising pero dahil ito ang first day ko sa Company ng namayapa ko ng Lola, I want to try not to be late. Malaki ang respeto ko sa Lola ko at alam ko ang pinagdaanan niyang hirap para lang lumago at lumaki ang kompanya namin.  Kaya as long as kaya kung sumunod sa rules susubukan kong sumunod.

Hindi na ako nag-abala pang tingnan ang sarili sa salamin. Sanay naman na sila sa akin so no need to be conscious. Suot ang sleeveless na crop top at panty short ay bumaba na ako para mag-agahan muna bago maligo. Hindi na rin ako nag-bra.

Nasa hagdan palang ay rinig na rinig ko na ang malanding boses ni Chao na may kausap.

"Really? I love reading too,"

As if. Never kaya siyang nagbasa ng kung ano-ano kaya nga bansag sa kanya sa school niya noon ay 'beauty without brain' duhh.

"I know a place with a lot of book. If you have time we can go together,"

Na pa taray na lang ako sa hangin. 'Di na ko nagtaka kung kanino siya nagmana.

"Kahit kailan talaga ang landi," I whispered in the air. Umaasa na madala iyon ng hangin papunta sa kanya. Para atleast alam niyang malandi siya.

Nasa huling baitang na ako ng hagdan ng tawagin ako ni Chao. 'Di ko iyon pinasin at muling naglakad papunta sa kitchen ng bigla akong tawagin ng aking step-mother.

"India Levada!" her voice is full of authority as she called my full name.

At sa pagkakataon na iyon ay lumingon na ako kung nasaan sila dahil alam ko ang mangyayari kapag ginamitan niya na ako ng ganoong tono. Iniisip ko palang kung ano 'yong mga bagay na lagi niyang ginagawa sakin hindi ko maiwasan na hindi matakot.

"Say hi to Lone, your personal assistant and secretary. Siya na rin ang magtuturo sayo ng lahat lahat about sa company," sabi nito at tinuro ang kausap.

Sumunod ang mata ko sa itinuro ng kamay ng aking step-mother. Agad na nagtama ang paningin namin dalawa. Masasabi kung g'wapo ito. Lalaking lalaki ang dating nito sa suot na white polo at pants. Nakaayos rin ang buhok nito na lalong nagbigay appeal dito.

Ayoko pa sanang alisin ang titig ko dito pero siya na rin ang unang umiwas para tingnan ang kabuoan ko.

"Hi," walang reaction na bati ko dito. "Can i go now?" hindi ko na inantay pa ang sagot nito at pinagpatuloy ang pagpunta ko sa kitchen.

Yes! Bastos na kung bastos but I don't see any reason to respect her. At isa pa uunahin ko ba muna sila kesa sa kumakalam kung sikmura. Duhhh!!

"Don't mind her, Lone. Ganyan talaga ang ugali niyan walang galang. Let me apologize on her behalf, Im sorry" the last I heard.

Naikuyom ko na lang ang aking palad. I should be the one receiving that fucking apology kasi malaki ang kasalanan na nagawa nila sa akin. Sakin dapat sila nagsosorry! How can she say sorry with that reason? Does she even know how important that word to someone who experienced abuse and insults.

"You still haven't learn your lesson, hmm?" hindi na ako nag-abala pang tumingin sa nagsalita at pumunta sa ref para kumuha ng tubig. Pagkatapos uminom ay pinakalma ko muna ang aking sarili bago humarap dito.

Its Yna. My step-mom.

"Don't worry, Mom, sa dami ng tinuro niyo sa akin, ang daming kong natutunan. I'll make sure to pay you back triple." i said hiding my anger.

"Is that a threat?" she playfully laugh while clapping her hands. "Hindi ko alam kung saan mo nakuha 'yang lakas ng loob mo para pagbantaan ako pero ito lang ang masasabi ko sayo, you will never win against me, India. Try all you want. Tingnan natin kung sino ang mapapahiya,"

[PERVERT#3] INDIA LEVADATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon