P#3_IL [5]

69 0 0
                                    

INDIA LEVADA
"Welcome, bohol!" sigaw ko habang naka taas pa ang kamay sa ere.

Hindi tuloy maiwasan ng iilang dumadaan sa harapan namin ang mapatingin sa gawi ko.

Ngumiti ako kay Lone. "Anong mukha 'yan?" sabi ko kay Lone na naka simangot.

Masaya ako. Malayo sa ako sa mga taong nanakit sa akin.

Kasama ko parin si Lone dito dahil may mga bagay pa daw kasi ako na kailangan kong malaman at matutunan sa pagpapatakbo ng business. Which is alam ko naman kung bakit nila pinasama ang isang 'to.

To spy me, of course.

50 mins ang naging byahe namin sa airplane at heto kami naka langhap na ng sariwang hangin from a beautiful place called Bohol.

"Tsk" ani lamang nito.

Ilang sandali kaming nag-antay para sa taxi na maghahatid sa amin sa bahay na pagstay-an namin ng sa wakas ay dumating din ito.

Nilagay lang ni Lone ang mga bagahe namin sa compartment ng taxi at saka na rin kami sumakay.

Hanggang sa makarating kami sa bahay ay naka tingin lamang ako sa bintana ng taxi. Puno ng iba't ibang puno at bulaklak ang bawat nadadanan naming kalsada. Sumilip pa ang bulubundukin ng chocolate hills. Isa sa mga sikat na pasyalan at pinagmamalaking yaman ng Bohol.

Malaking bahay ang bumungad sa amin paghinto ng taxi. Na pa wow na lang ako. Sino ba naman mag-aakalang may ganitong bahay si Yna.

Isang wooden house. Ang gandaaa super!

"Dito ko na lang po ilalagay ang mga bagage niyo, Sir, Ma'am" sabi ng taxi driver. Tumango lang kaming dalawa bilang sagot.

Na siya naman pag-alis na rin nito pagkatapos nitong maibaba ang mga gamit at bagahe namin sa gilid ng wooden gate.

'Di pa man kami naka kapasok sa loob ng niluwa ng pinto si Manang Perla, ang katiwala ng bahay. At ang pinagkakatiwalaan ni Yna.

"Nandito na pala kayo" sabi nito ng hindi man lamang kami binabati.

Mga nasa 70 plus na ito base sa hitsura nito. Puti na ang buhok nito at kulubot na rin ang balat. May hawak itong tungkod na gawa sa kahoy. At kasing tayog ng bundok ang kilay nito habang naka tingin sa amin.

"Ayy hindi kaluluwa lang namin 'to" bulong ko na alam ko naman na narinig nila.

Pinandilatan ako ng mata ni Lone ng mapatingin ako sa kanya.

Binuka ko ang bibig ko para mag-salita. "What?" tanong ko dito ng walang boses na lumalabas .

Kita ko pa ang dumaang kilig sa mata ng matanda ng lumipat ang tingin niya kay Lone.  Akala niya siguro pinag-tanggol siya e mas masama pa ugali nito kesa sa akin. Duuhh!

"Konteng respect naman sa matanda." sabi nito. Na agad na nagpabago sa mukha ni Manang Perla, from kilig to ngiwi.

Na pa halakhak ako sa sinabi ni Lone. Muntik ko na nga siya mahampas sa galak kung 'di niya lang ako tinignan ng masama. Haha! Ang cute niya talaga, kaasar!

"Mga bastos!" sigaw nito sa amin at tumalikod na para pumasok sa loob. "Ikaw na bahala sa mga 'yan... Arghh!" rinig pa naming bilin nito sa isa pang katiwala doon at tuluyan ng umalis sa harap namin.

Binati lang kami nito at siya na nagdala ng mga bagahe namin papasok. Sumunod naman kami sa kanya.

Gawa sa wooden ang buong bahay maging ang mga furnitures at interior na nasa loob nito. Mas lalong gumanda ito dahil makintab ang mga kahoy. May mga pictures din na naka display sa bawat sulok ng bahay pero syempre ay wala ako sa mga 'yon.

[PERVERT#3] INDIA LEVADATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon