Five

17 0 0
                                    

Chris POV

Bakit ang tagal naman niya ata? Kanina pa yun ahh. Puntahan ko na nga lang siya. Baka mamaya anu ng ginawa niya

Pagkapunta ko sa kwarto niya, tatawagin ko na sana siya pero di ko muna ginawa dahil sa nakita ko. Umiiyak nanaman siya. Hime hanggang kailan mo ba papahirapan ang sarili mo? Akala ko ba kakalimutan mo na siya? 

Ramdam kong malapit ng tumulo ang luha ko dahil sa nakikita ko ngayon. Kaya tumalikod na ako at nagsimulang maglakad. Hihintayin ko na lang siya sa may baba.

Hime kayanin mo. Tatagan mo lang ang sarili mo.

Cherie's POV

Tama na muna yan Cherie wag ka munang magdrama. Baka mahalata pa ni kuya mo na umiiyak ka. Ayaw mo ng mangyari yun diba? Masyado ng nahihirapan ang kuya mo. Hindi lang ikaw ang nahihirapan tandaan mo yan. Mas nahihirapan ang mga taong nakapaligid sayo.

Inayos ko muna ang sarili ko bago ako bumaba. Sinigurado kong hindi mahahalatan umiyak ako bago ako bumaba.

"kuya" tawag ko kay kuya ko habang pababa ako ng hagdan.

Biglang tumingin sakin si kuya ng pababa na ako ng hagdan. Lumapit siya sakin at inalalayan ng malapit na ako sa huling hagdan.

"let's go?" Tumango na lang ako sa tanung ni kuya.

Habang pasakay kami ng kotse niya nagtanung ako.

"kuya saan tayo pupunta?"

"sa mall lang. Haha. Para makabili ka ng bagong mga damit mo." Mall lang pala kami pupunta akala ko naman na kung saan kami pupunta. may pasecret-secret pa siya kanina >.<

"ang dami ko pa kayang damit" Di ko na nga nasusuot yung iba eh. Panu ba naman kasi ang dami dami kong damit. Tapus bibili pa ngayon?

"luma naman. Haha. Wala ng aangal basta dun tayo." si kuya talaga tsk. Kung sabagay mga luma na nga yung mga damit ko ngayon.

"para namang may magagawa pa ang pag-angal ko >.<"

"hahaha"

Ng makarating kami sa may kotse ni kuya pinagbuksan niya ako ng pinto. Ng maayos na akong nakaupo, sinarado niya na ang pintuan at nagmamadaling umikot papunta sa drivers seat.

Habang papunta kami ng mall wala ni isang nagsasalita saming dalawa. Napakatahimik, nakakabinging katahimikan.

Si kuya na ang bumasag sa katahimikan.

"Hime pagkadating natin sa mall maghiwalay muna tayo. May bibilhin kasi ako. Mamili ka muna ng mga damit mo. Saglit lang naman yun eh. Sa fountain na lang tayo magkita. Itetext na lang kita kung papunta na ako dun" Anu naman kaya ang bibilhin ni kuya?

"Sige po kuya"

Pagkatapus nun wala ng nagsasalita samin.

Siguro di na kinaya ni kuya ang katahimikan kaya sinindi na lang niya yung radio. Pero sana di niya na lang sinindi.

(click the music video on the right side ;). Para mas feel niyo)

naaalala ko pa nung nilapitan mo ko. Di ko akalain na lalapitan mo ko nun. Sobra akong nagulat.

'hi. Anu pala ang pangalan mo?'

'ahm Cherie. Cherie Tiu'

'you have a beautiful name and it suits you well. By the way I'm Skyler Lee :))'

Nung unang beses mo kong niyayang lumabas. That is the most unforgettable moment for me. Sana memorable din yun para sayo

'hello? Sinu to?'

'Cherie si skyler to'

'ai. Kaw pala. Bakit ka napatawag?'

'ahm pwede ba kitang mayaya na lumabas?'

Araw-araw na tayong mag-kasama after mo kong niyaya. Minsan nga napagkakamalan na mag-boyfriend tayo eh. Masyado daw kasi tayong sweet eh. Dumating ang isang araw sabi mo gusto mo ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko nun. Masyado akong nagulat at masaya dahil hindi mo alam gusto na kita simula pa lang.

'Che may sasabihin ako'

'hmm? Anu yun?'

'gusto kita. Hindi bilang isang mag-kaibigan. Hayaan mong patunayan ko sayo yun. Hayaan mo kong ligawan ka'

Ang dami mong ginawa para lang mapatunayan mong gusto mo ko. Nung araw na gumawa ka ng surprise para sakin. Di ko naisip na kaya mong gawin yun. Ang kantahan mo ko sa harap ng madaming tao.

'when I see your face, there's not a thing that I would change, cause girl you're amazing just the way you are and when you smile the whole world stops and stares for awhile, cause girl you're amazing, just the way you are. Che I love the way you are right now. And I want you to stay the same. Can you be my girl?'

'YESSSS!!!'

'talaga?! I love you!! I LOVE YOU!!!!! You made me the happiest man'

'Promise ko sayo aalagaan kita. Di kita papabayaan. I will take care of you'

Habang tumatagal lalo akong napapamahal sayo. Dahil lagi kang naghahanda ng mga surprise para sakin. Sobrang saya ang nararamdaman ko kapag kasama kita.

Ang first anniversary natin. That is when I give you my first kiss. When you kiss me I feel like I'm the only girl that you want to be with me forever. Lagi mong sinasabi sakin na mahal mo ko. Na lagi kang na sa tabi ko at aalagaan ako palagi. Hinding hindi mo ko iiwan. You made me feel that I'm the luckiest girl in the whole world

Natigil lang ang pagre- reminisce ng tinawag ako ng kuya ko

"Hime andito na tayo :)"

Hindi na ko nakapagsalita dahil lumabas na si kuya sa kotse at umikot para pagbuksan ako ng pintuan.

"thank you kuya"

"your welcome Hime. Sabay na tayong pumasok Hime. Maghiwalay na lang tayo sa loob. Basta Hime sa may fountain ahh"

"oo na kuya"

"Halika na. Pasok na tayo"

Being with you &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon