Six

24 1 0
                                    

Cherie's POV

Pagkapasok na pagkapasok namin ng mall. Naghiwalay na agad kami ni kuya. MUkha ngang importante ang bibilhin niya eh kasi naman pagkapasok namin agad ba namang tumakbo?

Saan naman kaya ako pupunta nito? Punta na lang kaya ako sa may fountain? Wala din naman kasi akong gagawin dito eh. Wala din naman akong ganang mag-shopping eh. Kaso baka magalit si kuya kapag di ko siya sinunod.

TING! Alam ko na mamaya na lang ako masho-shopping kapag kasama ko na si kuya. Maghihintay na lang muna ako sa may fountain. Nakakawalang gana kasi magshopping kapag mag-isa mo lang eh.

Papunta na ako ngayon sa may fountain kung san dapat kami magkikita ni kuya. Saglit lang naman si kuya kaya mahihintay ko pa naman siya.

Pagkapunta ko dun hindi ko inaasahan ang nakita ko. Pinagsisisihan kong pumunta agad ako dito sa may fountain. Sana pala nagshopping muna ako,

hindi ko sana siya makikita ngayon. 

BAKIT NGAYON KO PA SIYA NAKITA?! kung kelan naman napagdesisyunan kong kalimutan ko na siya.

SH*T!!! Ang sakit. Sorry kung napapamura na ko sobra kasi ang sakit. 

Alam niyo ba kung ano pa ang mas nakasakit?

Ang makita mo ang mahal mo na masayang masaya sa piling ng iba.

Ang sakit diba? kaw na nagdurusa sa loob ng dalawang taon kasi di mo siya magawang makalimutan dahil sobra mo siyang mahal. Samantalang siya, nagpapakasaya sa iba.

AAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!! Ang sakit!!! Bakit ganito?! Di ko na alam ang gagawin ko. Gusto kong tumakbo, magpakalayo pero ayaw sumang ayon ng katawan. Hindi ako makakilos. Ang malala pa imbis na pumikit ako para di ko na sila makita pero patuloy parin ako sa pagtingin sakanila. SH*T masokista ata ako eh.

Sa patuloy na pagtingin ko sakanilang dalawa di ko na namalayan na napatulo na pala ang mga luha ko.

ANU BA NAMAN TO?! IIYAK NANAMAN BA AKO?!

DI PA BA NAUUBOS ANG MGA LETCHENG LUHA NA TO?! HANGGANG KELAN BA KAYO MAUUBOS?! DI KO PA BA KAYO NAILALABAS LAHAT HA?!

Tumingala ako sa taas para di na magtuloy-tuloy ang pagtulo ng mga luha ko at pinunasan ko ang mga luhang pumatak galing sa mga mata ko.

Ng masiguro kong wala ng luhang tumutulo at napipigilan ko na ang mga nagbabadyang mga luha tiningnan ko ulit sila. Pero sa pagtingin ko ulit, napatingin siya sa direksyon ko.

Nagtagpo ang aming mga mata pero agad akong umiwas ng tingin at tumakbo papalayo, papalayo sa kinaroroonan niya, papalayo sa kanya.

Ayaw kong nakikita niya akong nagkakaganito dahil sakanya. Ayaw kong isipin na isa akong mahinang babae. Kahit yun ang totoo.

Wala na akong pakelam kung pinagtitinginan man ako ng mga tao dito. Kahit na isipin nilang para akong tanga na takbo ng takbo.

Basta ang na sa isip ko lang ang makaalis ako ngayon dito. Habang palayo ako ng palayo sakanila, lumalabo na ang paningin ko dahil sa mga luhang patuloy sa pag-agos.

*BOOOOGSH*

Sa sobrang pagmamadali ko di ko namalayan na may nabunggo na pala ako. pareho kaming napaupo dahil sa lakas ng impact ng pagkakabunggo namin sa isa't-isa.

"ouch!" ang lakas ata ng pagkakabagsak niya. "anu ba yan! di kasi tumitingin sa dinaraanan eh" sabi ng nakabunggo ko habang tumatayo siya at nagpapagpag ng pantalon niya.

"S-S-SORRY" paghingi ko ng paumanhin habang nakayuko ang ulo ko. hanggang ngayon hindi parin ako tumatayo mula sa pagkakabagsak ko. di ko rin magawang i-angat dahil hindi parin tumitigil ang pagtulo ng mga luha ko.

"aish.tsk.may magagawa pa ba yang sorry mo? nangyari na diba?" bakit ba ang init ng ulo niya? nag-sorry naman na ako diba?

"S-SORRY. S-SORRY T-TALAGA. D-D-DI K-KO N-NAMAN S-SINASADYA E-EH" sana naman wag na siyang magalit sakin. di ko naman talaga sinasadya eh

"hayy.hayaan mo na nga. halika na, tayo ka na diyan" inabot niya sakin ang kamay niya sakin

kinuha ko na ang kamay niya at tinulungan niya akong makatayo. hindi parin ko inaangat ang mukha ko

"hey" tawag niya sakin pero di parin ako tumitingin sakanya

"hey. tumingin ka naman sakin" ayaw kong tumingin sakanya dahil nakakahiya

"bakit ba ayaw mong tumingin sakin? siguro pangit ka kaya ayaw mong tumingin sakin" di naman ako pangit ahh. haggard lang ang mukha ko. diba readers? di naman ako pangit eh.

"w-w-wala.a-a-alis n-na a-ako" pagkasabi ko nun tumalikod na ako at nagsimulang maglakad

nakakailang hakbang palang ako ng bigla niya akong tinawag

"teka miss" pagkatawag niya sakin hinawakan niya ang wrist ko at hinila niya ako papunta sakanya 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 13, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Being with you <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon