CHAPTER 2

4 0 0
                                    

 Ride and Dice 

"Woooww, that one looks cutieee" tumakbo ako papunta sa isang brown na horse nag cute cute niya

"Good morning ma'am Welcome to Stallion Club" bati saking ng crew ata na nag babantay sa mga horses at nag gigiya sa mga sumasakay ng kabayo, I smiled at him bago siya nilagbasan at dumeretso na sa kabayong nakita ko 

"I want to ride this one" sabi ko sa lalaking crew na nakatayo sa gilid nung kabayo 

"naku ma'am may nag mamay ari na po diyan, may ibang mga kabayo pa po kami dito" My face saddened 

"But I want to ride this one!" 

"pero ma'am di po pwede"

"why di pwede? bakit nandito yan kung may nag mamay ari sa kaniya?"

"ah kasi ma'am"

"no, I want to ride that horse" 

nahihirapan na ata si kuyang crew sakin but I really want that horse ang tapang ng mukha niya 

"Amoura" 

napalingon ako sa boses na tumawag sakin, It's kuya Aedan well with friends pero binalewala ko yun at tumakbo papunta sa kaniya at nagpa baby 

"kuyaaa I wanna ride that horse pero Ayaw daw sabi ni kuyang crew" I pouted, ngumisi naman ang dalawang kasama niya while Seb? naka smirk nakakairita 

"Amoura I thought you're a big girl na? you still act like a kid, you're too spoiled di lahat ng gusto mo nakukuha mo" kumunot ang noo ko at tumingin sa malayo, kuya's right I should act like an 18 years old na lalo na at mga adults na ang nandito hindi teenagers 

"you can't have that" he said with finality 

"but..."

"no buts may nag mamay ari na kay apollo"

"eh kuya bat nillagay diyan if meron na?"

"that's fine Aedan, you wanna ride apollo?"

napalingon ako kay Seb, kumunot ulit ang noo ko sa kaniya, so apollo pala pangalan ng horse na yon kinda cute 

"No thanks, uwi nalang ako" 

sana pigilan ako ni kuya 

"go, nandon naman yung driver mo nag hihintay" 


what the? napaangat ako ng tingin kay kuya at inirapan siya padabog ko siyang nilagpasan pero bago pa man ako makalagpas sa kaniya at sa mga kaibigan niya may kamay na humawak sakin 

"You can ride apollo if you want, I own him no worries" 

it's seb, bakit ang bait nito sakin? 

"Seb I'm warning you." 

"What the  Aedan? I'm just being nice to your sister" 

kuya give me a "go on" look kaya napangiti ako at na excite! 

"thank youu uhmm, should I call you kuya din ba?" 

is it awkward to ask? 

"nah Just call me baby"

the eff? 

"kidding, seb nalang I'm just twenty five I don't want to look old" 

pambihira tong lalaking to, so he's 25 nga isang taon lang gap nila ni kuya ang arte naman ayaw magpa kuya 

"You sure papayagan mo ako e ride si apollo?" 

baka mag bago isip niya mabuti na ang kinu consult paulit ulit, binuksan niya ang hawla at pinalabas ang kabayo, he's so cutee really! 

"yeah but I'll be your mentor since apollo is my property"

he smirk again, para naman tong may masamang gagawin kung maka smirk 

"hmm sure that's fine" 

naglabas siya ng dice, what was that for? 

"let's roll this dice first" 

"for what?" 

"Ride and Dice, if we double roll it then doble ang pag libot libot mo kay apollo, since this is just a practice not a total race you need to learn first"

pshh yun lang pala may condition 

"so if double six? then we can u turn 12 times?"

"yep"

"napaka strict mo naman kay apollo, but it's fine with me" 

he roll the dice and sadly roll 3 times lang so anim na libot lang ako neto? tsktsk 

"that's okay kesa sa dalawa lang diba? and besides you're still learning you don't  need to rush"

i nod at him, sabagay may point naman siya, inalalayan niya ako makasakay kay apollo, napaka gentleman naman pala neto pero naiirita pa din ako sakaniya, I saw kuya and his two friends watching us, yung dalawa parang tinutuksa siya habang naka tiim bagang naman si kuya na naka tingin samin, while riding apollo napatanong ako kay seb 

"Aren't you close to kuya?" nakaka curious kasi parang he doesn't trust Seb

"we're more than close" shit what the fuck is this feeling? bakit parang napaka lambot ng boses niya? sabay pa ng mainit niyang hininga sa balikat ko, this feeling is so weird 

"ah...ah kasi look oh parang galit siya sayo" 

"hmm, maybe he just don't like it when someone is near with his younger sister" 

hindi na ako ulit nag salita at hinayaan nalang he has a point again napaka strikto kasi ni kuya sa mga lalaki sa paligid ko kaya nga madami akong na bu busted kasi ayaw niya sa kanila and me also ayaw ko kaya i never had a boyfriend 




Dangerous CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon