CHAPTER 13

4 0 0
                                    


Sunday ngayon at naisipan kong pumunta sa tubuhan namin since wala naman akong ibang gagawin, binuksan ko ang ref para makapagluto na ng almusal pero sa kamalasan, hindi pala ako nakapag grocery

"ano ba yan kahit bread or kape wala ako"

pumasok ako sa kwarto at naligo na, nag ayos nalang ako agad para after ko mag grocery ay dederetso nalang ako sa tubuhan 

i just wear a simple dirty white floral dress na hanggang tuhod at boots, ewan ko bat nag dress ako eh maputik naman ang daan papuntang tubuhan, de bale na atleastt i wear boots. nilugay ko lang ang buhok ko at nag lagay ng kaunting liptint, hindi na ako nag make up, hindi na nauso sakin simula nung naging independent ako at the age of 19 

mag twenty five na pala ako next week, shocks malapit na pala birthday ko. siguro sa birthday ko nalang papuntahin sila kuya dito para naman hindi ako malungkot 

binuksan ko ang pintuan ng apartment na tinutuluyan upang makalabas na at laking gulat ko ng may tatlong lalaking tumambad sa aking harapan na may mga dalang groceries, it's kuya migs, Calix and .... Seb

"long time no see nurse felyy!" 

ani kuya Seb at niyakap ako 

"Nice Hindi lang basta dalaga na, Independent woman pa"

biro ni kuya Calix na yumakap din sakin, hinding hindi ko makakalimutan ang tulong na ibinigay nila sakin nung mga panahong lugmok an lugmok ako kaya I'm beyond thankful sa kanila 

"kayo talaga, hindi man lang kayo nag sabi na pupunta kayo dito kung di pa ako tinawagan ni kuya, ang cute ng mga bandages niyo ha"

puna ko sa mgs sugat nila sa paa at kamay, humagalpak naman ng tawa itong si kuya Migs

"kasalanan ni Sebastian naknamputa gusto daw ma hospital"

biro ni kuya Calix na agad sinimangutan ni Seb, bat naman gusto niyang ma hospital nababaliw na ba siya?

"di mo ba kami papapasukin? nangangalay na kamay namin sa dala namin oh"

agad namang binatukan ni kuya Calix si kuys migs natawa nalang ako at nilakihan ang singaw ng pintuan para makapasok sila 

"sakto lalabas sana ako para mag grocery, naubusan ako ng stock eh, buti at may mga dala kayo" 

" nice timing pala kami eh, may binili kaming meat diyan eto kasing si Seb at migs sawa na daw sa manok, baka naman pwede mo kaming lutuan ng sinigang" 

ani kuya Calix na kumikintat pa 

"oo na sige umupo na muna kayo diyan"

"I'll help arranging the items"

napaiwas ako ng tingin nang lumapit nga si Seb para ayusin at ilagay sa cabinet ang mga groceries na pinamili nila, narinig kong sumipol si kuya Migs na agad binatukan ni kuya Calix 

"uy may xbox ka pala fely, hiram kami ha"

"sure feel free lang"

I said and started to cook, habang nag luluto ako ay nakaabang lang siya sakin, napatingin ako sa gawi niya at nakita kong nakatitig ito sakin na para bang sa isang iglap ay mawawala ako, diba may girlfriend na to? buti di siya pinag bawalan na sumama 

umiwas ako ng tingin at pinag tounan ng pansin nalang ang niluluto 

"ako na mag hahain"

aniya at kumuha ng sandok at plato para lagyan ng kanin, tumango lang ako at hinayaan siyang mag prepare sa mesa.

he's still cold, galit ba siya sakin? or oo galit nga siya pero bakit tinulungan niya pa rin ako sa mga nag daang taon?

nung maluto na ang sinigang ay inihain ko na ito at nilagay sa dining table, siya na ang tumawag sa dalawa para kuamin na 

habang nasa hapag ay panay kwentuhan sila kuya Calix habang si seb ay tumatango lamang 

"By the way fely wala ka bang lakad ngayon? bihis na bihis ka eh baka nakaka abala kami" kuya Migs

"uhm actually dadalaw sana ako sa tubuhan namin sa alegria province, pero nag update naman sakin ang sekretarya ko don maayos naman daw nag pagkaka deliver ng mga sugarcane" 

nagsitanguan naman ito

"so wala kang ibang plans? how about i tour mo kami dito? may mga magagandang falls daw dito eh may napuntahan ka ba?" 

ani kuya Calix,

" hmm may alam akong magandang falls pero hindi pa ako nakapunta sa mga yon wala naman akong kasama, pero may gps naman"

"saan ba?"

kyuryusong tanong ni kuya Migs

"sa kawasan falls maganda daw don eh, sinearch ko din yan di pa ako nakapunta don pero sikat siya dito kasi madalas yung mga katrabaho ko nag pupunta don pag may mga okasyon"

"bakit di ka sumasama"

napaigtad ako nung mag salita ang tahimik na si seb sa gilid, I smiled at them 

"I don't have time to party, I just focus on my business and work as a nurse" 

i said at tinapos na ang pag kain 

"hmm since hindi kapa din naman nakapag gala dito, edi gumala tayo matagal tagal din stay namin dito kaya mag tiis ka na muna sa mga mukha namin"

ani kuya calix na may nakakalokong ngiti

"ohh. mag stay pala kayo sige may isa pa naman akong vacant diyan na room if hindi kayo kumasya sa kama may extra foam naman don pwede nyong gamitin"

"naks! yan ang gusto ko. nakakasawa din maging mayaman eh" 

pabirong tugon ni kuya migs, agad nilang dinala isa isa ang mga bagahe nila sinama na din ang kay seb, so dito din siya mag s stay? di ba magagalit yung girlfriend niya?

"I'll help you with these"

aniya at kinuha ang mga pinag kainan namin, bumalik ako sa kwarto upang mag bihis, since sa falls kami pupunta nag suot nalang ako ng maikling shorts at white halter top na binagayan ko ng puti ding cardigan 

paglabas ko ng kwarto ay nasa sala na sila nag hihintay may mga dalang junk foods 

"maganda sana kung mag barbeque tayo don kaso wala tayong ihawan" kuya migs

"ah may bilihan naman on the way sa kawasan falls kuya, bili nalang din tayo don"

"ayon nice idea! tara tara"

isang oras din ang byahe galing malabuyoc papuntang badian kawasan falls mabuti nalang ay may dalang kotse tong mga to kasi mahirap pa naman ang sakayan dito lalo na kung pupunta pa kaming palengke para mamili 

nasa passenger seat ako, kasi yung dalawa ay agad sumakay sa backseat, ayaw ko din naman mag mukhang driver itong si sebastian dahil sa wala siyang tabi sa driver seat 

ni open ko na ang gps at ipinakita sa kanila ang daan papuntang badian, dumaan muna kami sa palengke at namili ng mga kakailanganin, bago sinimulang tahakin ang daan patungong kawasan falls


Dangerous CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon