February 14, 2024
2:03 PMAm I expecting too much?
First of all, gusto kong bumati ng Happy Valentine's day.
Pero dahil may work tayo, hindi natin dama na Valentine's pala ngayon. Ultimo yung booths dito parang nawalang bahala kasi may program. Kagaya ng mga booth dito parang sa pakiramdam ko eh hindi memorable ang experience ko ngayong Valentine's day. Work mode tayo ngayon, eh pati siya naka work mode din.
Although I do have to understand the fact na pareho kaming busy sa mga work namin today but I just felt there's something missing. Alam mo yun nag-greet ako, nag-greet siya and that's it, wala na. Hoping na lang na magkikita kami ulit if ever this weekend. We were just too busy with our careers. Kahit nga sa gabi pag inaantok na siya or ako (pero madalas siya) kahit ang ganda na ng usapan namin, kailangan ko siyang intindihin at matutulog na lang kaming dalawa. Ang kinakatakot ko kasi eh pag di ako sumabay matulog (kaso di pa ako madalas inaantok) baka isipin niya may kachat akong iba kaya madalas sabay na kami matulog, pinipilit ko pa nga madalas sumabay matulog.
Is it selfish for me to feel this way? Although I know hindi naman kasi kami makapagkita ng maayos kasi nga medyo strikto parents namin, I do understand that pero nalulungkot lang ako, moreover naiingit ako sa mga couple na malayang nakakapagdate or nagkakasama kahit sa bahay lang. Alam mo yun, quality time ganun.
Pero eto nga, matatanda na kami. Wala na kami sa phase ng pagiging isang bata or teenager. We just have to accept the fact na kaakibat na ng relasyon namin ang pagmamanage ng time namin sa pamilya at sa career namin. Ika nga nila, we still have a long way to go lalo na ngayon, malapit na siya sa pagiging public servant niya samantalang sa akin, nagstart na ako sa serbisyo ko bilang isang public servant. (Secret muna kung ano mga work namin, wait niyo lang.)
Hayyyy medyo naluwagan yung dibdib ko, mukhang madadagdagan na naman ako ng susulatin dito.
Mas nakakagaan kasi talaga sa feeling yung ganito lalo na sa akin na hindi masyadong masalita.
From this, narealize ko na we might expect something but sometimes we must accept the fact that not everything we expect are met. Kasi nga di ba sa isang relasyon dapat understanding kayong dalawa. Kailangan niyong intindihin yung pagkukulang ng isa't isa pero as time goes by unti unti nating punan yung mga pagkukulang nating ito para mas mapabuti pa yung pagsasama niyong dalawa.
Ayan lang muna mga realizations ko for now. Atleast nahimasmasan konti yung loob ko.
Bayieee~
~•~•~•~
BINABASA MO ANG
A Millenial's Whacked Rave
RandomAnother book of your author's favorite hobby: RANTING Dito na lang talaga nabubuhay ang aking pagiging isang writer, ang mga rants sa mga bagay bagay na nangyayari pero this time as an ano na as a public servant na in a relationship na. Akala ko tap...