002

1 0 0
                                    

Kahit isang araw man lang na pahinga okay na ako dun.

Yan ang linyahan nating mga ever workaholic na manggagawang Pilipino. But as for me lately, this is not the "rest" that I hoped for.

Last February 19, my papa died while I was at work. Around 10 am na nung nalaman ko sa iba ko pa nalaman.  All of us were totally shocked kasi okay naman siya for the past few days. Only to find out na nasudden cardiac arrest ang papa namin. Masakit kasi kung kailan medyo magiging okay na yung work ko, hopefully magwowork na din kapatid ko and magcocollege na din yung isa, kung kailan parang pagaan na ng konti yung livelihood namin or businesses ehh ganito pa ang nangyari.

I was devastated kasi on-process pa lang yung permanency ko sa job ko and yet ganito pa.

Bale natapos na libing ni papa nung last week bale 6 days na ang nakalipas but still everything feels like a dream.

Nitong mga nakaraan feeling ko ubos na luha ko pero kani-kanina nga lang may napanood ako na kinasal then nakatingin yung tatay niya dun sa anak niyang babae habang sinasayaw nung asawa niya. Naiyak ako grabe kasi wala na akong tatay na titingin sa akin na suot ko yung wedding gown ko habang kasayaw ko yung asawa ko.

Graduation ball namin nung 6th grade, naisayaw ako ni papa, all throughout elementary up to high school siya kasama ko sa stage, JS prom meron din si papa pero nung graduation ko ng college di siya nakapunta kasi nahighblood siya that time, iyak ako ng iyak noon kasi di niya ako nasamahan sa stage. Ngayon na nakapasok na ako sa work, di na niya ako nakitang nag-onboarding tapos pati sa kasal ko, wala na di na niya ako makikita sa white dress ko, di na rin niya makikita mga magaganda at guwapo niyang apo soon.

Grabe di ko alam. Ganito pala ulit yung feeling ng mawalan ng mga mahal sa buhay specifically magulang natin. I feel at lost at all times, nung nawala si lola ko naging makakalimutin ako, ngayon wala na din si papa parang nawawala na yung concentration ko sa buhay kung saan ako patungo. It's as if a cliff hanger in a story wherein you don't know what's gonna happen or if there is still something that might happen.

Yung feeling na parang lagi akong iniiwan nung bata ako eh naffeel ko na naman ngayon.

Kaya kapag meron yung jowa ko napansin ko lang, gustong gusto ko lagi siyang nasa tabi ko or lagi akong nakayakap ganun, nakahawak sa kanya ganun kasi mula noon hanggang ngayon parang pinag-iiwanan ako lagi ng mga tao sa paligid ko.

Yung iba nang-iiwan kasi wala silang kailangan, yung iba biglang nang-iiwan ng walang pasabi, yung iba naman sasabihin iiwanan kami kasi gusto naman nilang umasenso para sa buhay which is well I can't blame them. Sino ba naman ayaw umasenso sa buhay? Yeah you can leave all you want. Iwanan niyo ako kasi kailangan niyo din lumbas sa shell niyo, same as through with me.

Eh kahit masakit na at lahat lahat wala akong magagawa. Kahit nagbibigay sakin ng malaking trauma or impact yung PAG-IWAN wala akong magagawa, kasi nga siguro ehh sadyang mga katulad kong walang kwenta, walang pakinabang sa mundo ehh talagang mga iniiwanan nalang.

Hayyy kapagod umiiyak habang nagsusulat, diko alam bat pa kasi ako nakanoond ng video na ganun edi sana di na naman ako nag-eemote ngayon.

Bayieee~

~•~•~•~

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 04 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Millenial's Whacked RaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon