021

154 12 10
                                    

[Messages]

Mikee

10:20 am

Mikee
Akala ko ba labs mo ko
😔

MIGS
HI
YES NA YES
BAKIT??

E ba't ka absent :(
Nawala ko pa-assignment ni Castro
Sayo sana 'ko kokopya eh

Omgggg may lagnat ako 😢
And wala din me homework kasi
inexempt ako last time ni sir
Send mo na lang yung worksheet you want?
Tignan ko maybe I can help
Seen

Hindi okay lang. May sakit ka pala
Get well soon
Pahinga mabuti

Hala thank you 🥺🥺😣
Seen

Ay onga pala! Si Lucy tanungin mo if
nasa kanya pa hw niya
Nakita ko kanina sa isang gc namin di pa rin ata sya nakapasa

Sige tanungin ko
Thanks 😎

Hahaha welcome
Cute mo naman 🥺
Seen

#

[Messenger]

Ma. Lucia Amorsolo

10:31 am

Psst
Nakapasa ka na hw?

Was just about to

Pahiram muna
Nawala ko yung akin eh

?

Nawala ko nga
Pakopya naman pls
Bawi na lang ako. Nasa bag ko na yun
kagabi eh di ko lang mahanap ngayon
Seen

10:33 am

Uy sige na
Paabot mo na lang dito sa likod
Seen

Um haha
What makes you think I'd just let you copy my work?

Ha
Pahiram nga lang
Di ka ba nagpapakopya?

Not to you
Also sorry, nahihirapan ako paniwalaan
yung you just "forgot"
If nakalimutan mo then that doesn't mean di mo na alam yung mga sagot
Just write it again?
Seen

Tangina haha
Hirap mo timplahin
Seen

Oo na di na 'ko gumawa nun
Pinagawa ko sa kapatid ko kasi di ko
talaga ma-gets yung lesson
Ayos na?
Seen

Ok?
Find someone else

Di ba tayo okay??
Seen

10:36 am

Huy
Ayaw mo talaga???
Seen

Taena naman homework lang
ayaw mo pa?
Lahat naman nagpapakopya nyan ah
Pinaglihi ka ba sa kadamutan???

Ikaw, pinaglihi ka sa katamaran?
I already said no.
Kung magta-tantrums ka, save it.
Use your energy to do your homework siguro
Seen

Ewan ko sayo
May galit ka ba sakin?
Yung totoo kasi di na normal yan eh

Wala naman
You're just annoying.
Ayoko rin sa mga manggagamit
You tried to include yourself sa paper kahit wala kang contribution and now you're doing the same thing here
I just don't see kung bakit kita dapat tulungan when your initiative is nonexistent
Seen

Ay sorry
Dami ko palang sinabi
Ignore mo na lang siguro 🤔
Seen

#

[Twitter]

Desmon @desmondimaruga
May nagdadabog dito oh 👀🍿

lucy 🤍 🔒 @mangolesbian
ANG KAPAL TALAGA
↳ replying to @mangolesbian:
Siya na nga lang nanghihingi ng favor, siya pa galit. Saan ka ulit makakahanap ng ganung tao WTF

lucy 🤍 🔒 @mangolesbian
Spoiled beyond belief my god

Mango SlushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon