042

100 11 18
                                    

[Messages]

Tatay Ko 😒

11:38 pm

Nak gising ka pa?
Baba ka sandali may uwi ako sa'yo
Seen

Nuyan

Baba ka muna
Seen

Lika na bilis
Samahan mo na rin ako kumain

K

#

[Twitter]

Migs 🔒 @shittylesbian
Daming uwing pizza at manok akala mo mauubusan eh

Migs 🔒 @shittylesbian
Pero wala namang sinabi masyado? Nag-abot lang ng allowance tsaka bagong string ng gitara tas nagpasama lang din kumain. Ang tahimik tuloy sa kusina

Migs 🔒 @shittylesbian
Pagod siguro

#

[Messages]

Tatay Ko 😒

12:01 am

Tumaas ka na?

👍

Tutulog ka na ba?

Ewan
Baket

Baba ka muna
Samahan mo pa 'ko

Baket nga
Seen

12:10 am

Baba na 'ko
San ka

Pool

👍👍

Pwede mo 'ko gawang kape?

K

Salamat
Seen

12:11 am

Da

O?
Seen

Wala
Seen

12:12 am

Kita ko may bago kang gitara
Seen

Dalhin mo nga dito

Yoko nga

Sige na. Kahit ngayon lang

Ayaw

Kahit sandali lang nak
Parinig naman ako

Yaw
Seen

Sige
Ako na lang
Pahiram ng gitara mo

Bat pa yung saken?
Gamitin mo kaya yung sayo
Seen

Gusto ko yung iyo

Bat nga kasi
Seen

Wala lang
Gusto kita marinig tumugtog eh
Pero ako na lang kung ayaw mo. Ok na rin yun
Seen

E bat mo ba ko gusto marinig
maggitara
Pangit naman yun panigurado
Seen

Pangit?
Pano magiging pangit eh anak kita?
Seen

Wala naman akong sinabing galingan mo
Gusto ko lang marinig yung ikaw mismo
Kahit ano pa yan
Seen

Pangit nga kasi
Yoko tumugtog para mapahiya lang

Sino bang magpapahiya sayo dito?
Ako lang naman audience mo

Yun na nga eh
Ikaw audience
Seen

Di mo ba alam kung sino ka?
Seen

Tingin mo tutugtog ako basta basta?
Eh hindi nga 'ko komportable
Seen

Okay
Hindi ko na muna tatanungin
Yung kape ko na lang

Papunta na
Seen

12:24 am

Naririnig mo 'ko dyan?
Seen

Ito yung lagi kong kinakanta sayo nung
baby ka pa lang
Ang title niyan, "The Smallest Apple"
Ikaw kasi yung pinakamaliit sa inyong apat nung pinanganak
Seen

Tapos wala nang ginawa mommy
mo kundi kumain ng mga mini apple
Ayaw niya nung hindi maliliit haha
nagmamaktol pa yan pag malaking mansanas binibigay ko
Seen

Attachment sent.
Eto chords kung gusto mo subukan
Kaso baka di mo pala kaya
Seen

Anong hindi kaya?
Gawa gawa

Weh
Kaya mo?
Tignan mo muna baka mabigla ka eh

Kaya ko nga yan
Tinignan ko na di naman mahirap

Sigurado ka?
Baka mali pagbasa mo

Ano ako tanga?

Di naman pero pano ko malalamang
naintindihan mo kung di ko maririnig?
Baka sinasabi mo lang na kaya mo
pero di naman pala

Edi ako na mahina
Kaw na angat
Palakpakan

Magaling naman na 'ko dati pa
Eh ikaw? Saan proof?
Seen

Sus
Wala ka pala eh

Taena nambwisit na
Bahala ka dyan

Hahaha
Baka mahina ka lang
Kung di ka weak parinig ako ngayon
Seen

Gusto ko 15 mins ka lang magpa-practice
Tapos tugtugin mo na nang buo kung
kaya mo talaga
Seen

Pero kung hindi aminin mo na lang
nang makatulog na 'ko
Seen

Yabang mo nakakairita
Sariling anak minamaliit? Sinabi nang
kaya ko yan eh

Pakita mo
Bumaba ka dito

Geh para tumahimik ka na 👍

Hahaha
Pag nagawa mo, bigyan kitang limang libo
Kaso pag di mo nagawa, tabi tayo matutulog
Tapos kailangan mo na rin ako i-followback sa lahat ng account mo
Tsaka tutugtugan mo na 'ko linggo linggo

AYAW
AYAW AYAW AYAW
Dami daming demand????
BABABA NA KO

Hahahahaha

#

[Twitter]

Migs @miggierosano
@kokawano Masaya ka na sana tay 😒
↳ Ko @kokowano replied:
Hahahaha next week ulit. Konting practice pa
↳ replied to @kokawano:
BLAHBLAHBLAHBLAH

Mango SlushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon