029

84 12 4
                                    

INT. ISBA LIBRARY - 5TH FL.

9:33 am

MIGS
Lucy

LUCY
...

MIGS
Lucyyyy.

LUCY
Shhh—!
Quiet.

MIGS
Haha. May tanong lang ako

LUCY
What?

MIGS
Okay ka lang ba?

LUCY
Oo.
Now don't ask again.

MIGS
Eh ba't galit ka?

LUCY
...

LUCY
I'm not.

MIGS
...

LUCY
Hindi nga.

MIGS
Alis na lang ba 'ko?

LUCY
...

MIGS
O lipat na lang akong table?

LUCY
...

MIGS
Lipat na lang ako.
Sorry if may ginawa 'kong nakakainis.

LUCY
Hindi nga kasi.
Ang kulit

MIGS
Ako pa makulit?
Hirap mo naman pakisamahan

Lucy
What??

MIGS
Oh wag ka maingay, library 'to.
Sitahin ka ng librarian niyan.

LUCY
Nakakairita ka.

MIGS
Bakit nga?

MIGS
Ayaw sabihin tapos ayaw rin akong paalisin.
Yung totoo?

LUCY
Umupo ka nga!

MIGS
Hahaha
Oo na uupo na

MIGS
So ano na naman pong ginawa ko?
Akala ko bati na tayo eh

LUCY
Wala.

MIGS
Sus.

MIGS
Wala na ngang ginagawa eh tapos inis pa rin
Baka hobby mo lang mainis

LUCY
Know what? Umalis ka na kung gusto mo
Ang ingay ingay hindi ko maintindihan
binabasa ko

MIGS
Ayoko nga

LUCY
Ugh.

MIGS
Hahaha.

MIGS
Pwede patingin ng pencil case mo?

LUCY
No

MIGS
Aww

LUCY
Don't you have work to do?
May term paper ka pa 'di ba?

MIGS
Ahh, yun pala.

MIGS
Hindi ko alam pa'no eh.

LUCY
What?
So hindi ka pa nag-start?

MIGS
...

MIGS
Oo...?

LUCY
Tsk. That means hindi pa
Ano yun, hihintayin mo na naman
last minute?

MIGS
Ewan.
Pero problema ko na yun
Hindi naman apektado grade mo 'pag
di ko yun nagawa

LUCY
...

MIGS
Patingin naman.
Saang part ka na?

LUCY
Ano ba?

MIGS
Dito na lang ako sa tabi mo
Di ko makita screen eh

LUCY
Fine.
Here, eight slides tayo each.
Make sure you explain the topics well. We can use index cards pero practice tayong hindi binabasa yun directly

MIGS
...

LUCY
Ayoko ng mababang grade dito kasi hindi
naman ganun kahirap
So nakakainis lang if we won't do it well
Parang walang reason

MIGS
Ahh.

LUCY
Are you listening?

MIGS
Oo.

LUCY
Really? Para ka namang nakatulala lang

MIGS
Haha. Nakikinig ako.
Nakatingin nga 'ko sa'yo di ba?

LUCY
...

LUCY
Your phone keeps lighting up.

MIGS
Ay sorry.
Tago ko na lang

LUCY
May naghahanap ba sa'yo?
You can go if you want.

MIGS
Wala ah
Dito lang ako

LUCY
Whatever.

MIGS
Hahaha.

MIGS
So kailan tayo magpa-practice?
1 to 3 wala kaming klase tapos 6 dismissal na
Ikaw ba?

LUCY
I have class ng 11 to 4

MIGS
Deretso?

LUCY
Yeah

MIGS
Di ka ba gugutumin nun?

LUCY
I have snacks so it's fine

MIGS
Ayaw mong kanin?

LUCY
...

MIGS
Bilhan kita para baunin mo mamaya

LUCY
I said it's fine.

MIGS
Ano ba gusto mong ulam?
Kumakain ka ba ng karne?

LUCY
Basta.

MIGS
Yes o no sa karne?

LUCY
Wag na nga.

MIGS
Sige gagalawin ko 'tong pencil case mo pag di ka sumagot

LUCY
Ano ba!

MIGS
SHHHH. Ingay.
Sama na ng tingin sa'yo nung matanda oh
Pag tayo pinaalis dito ah

LUCY
Wag ka kasing makulit!

MIGS
Hahaha.

Mango SlushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon