2:00
Sino ang taong ito? Bakit parang napaka-importanteng pigura sa lugar na ito?
I had to look away for a moment.
Sa ilang taon kong paninilbihan para sa publiko, ngayon lang ata ako nasakal sa presensya ng isang tao. Mabigat at masyadong madilim. Hindi ko maipaliwanag. He exudes this air of mystery. Something about him seems amiss, as if he doesn't belong in this ordinary crowd.
Kahit na kumakatok ang pangamba sa puso ko, pilit ko pa ring tinatagan ang sarili.
Animo'y maaamong tupa, nahati sa gitna ang lipon ng mga tao sa loob ng club, wala ni isa sa kanila ang naglakas-loob tumingin sa mga mata ng lalaking naka-maskara. Maliban lang sa akin.
Nag-tama ang aming titig, at animo'y eksena sa pelikula, naramdaman ko ang pag-tigil ng aking mundo. Why does he seem so... familiar to me? Lahat ata ng inhibisyon ko'y nawala sa isang iglap habang ang aking kabatiran ay nanatili lamang sa lalaking nakaka-titigan ko. Sa saglit na puwang na iyon, samu't saring senaryo ang kumislap sa utak ko. Mga imahe ng newspaper headlines, mga duguang tao, mga protesta, at ang walang patid na man-hunt.
Do not forget... Everyone here can be Maradona. So don't get too close or you'll burn.
"Keep your head down," utos sa akin ng kasamahan ko na ngayo'y abalang-abala sa pag-gawa ng martini. Um-oo na lang ako bago atupagin ang dapat ay trabaho ko dito.
Still... I could feel his stare.
"N-nandito na ba s-si Maradona?"
Bakit ako nauutal?
"Walang nakaka-alam kung sino si Maradona. May mga tauhan siyang nagpapanggap bilang siya sa isang utos niya lang. Minsan suot-suot ang kanyang maskara."
"Kung ganon... Yung lalaking kaka-pasok lang, hindi siya si—?"
"Walang nakaka-alam. Pero isa lang nasisigurado ko... Pagmatyagan natin ang mga bisita dito, dahil balita ni supremo... Narito ang kanang kamay ng lalaking iyon."
I nodded before continuing with what I was doing. Sa gilid ng aking mata, nasilayan ko ang naka-maskarang lalaki na tila sa akin ay titig na titig. Naga-alinlangan ako simula kanina ngunit hindi rin nagtagal nang mag-pokus na ito sa mga kausap.
SA BUONG durasyon na iyon, ginawa ko ang makakaya manatiling naka-tungo ang ulo. Nakakapagtaka nga gayong ang pakay ko'y makita ng taong ito, pero bakit parang iwas na iwas ako sa kanya? Is this really fear? Tunay nga bang natatakot ako?
Hindi ako makapaniwala sa nararamdaman, bagkus buong akala ko'y kayang kaya ko harapin ang kahit sino sa mga tauhan nito sa oras na magkita kami, pero nagka-mali ata ako. Masyado ko atang pinataas ang sariling ego. Sana nga hindi lang ako hanggang salita.
"Ihatid mo ang drinks nila sa table na ito." ani ni sir Ronan bago iabot ang maliit na papel mula sa kanyang kamay.
Binuklat ko ito at nabasa ang nilalaman:
'Narito ang asset ni Maradona. Ihatid mo sa VIP lounge sa pinakadulo ng red hallway ang mga inumin nila. Wag mong kalimutan... Kailangan ka niyang makita. Gawin mo ang makakaya maagaw ang atensyon niya.'
Nilukom ko sa kamay ang papel bago ito itago. Ito na nga ang pagkakataon na iyon. Kailangan kong tatagan ang sarili. Bagama't hindi masyadong ipinaliwanag ng tauhan ni Midnight ang kailangan mangyari, sapat na ang impormasyong binigay niya para kumilos ng sarili.
Huminga ako ng malalim at binagtas ang daan ng red hallway kung saan naka-kubli ang mga VIP guests. Medyo magalaw ang tray na hawak-hawak ko, kaya dahan-dahan ang aking kilos. Ngunit bago pa ako tuluyang maka-pasok, hinarang ako ng nagbabantay na bouncer.
BINABASA MO ANG
12:00
Mystery / ThrillerFor years, Police Seargeant Lily has been in pursuit of an unnamed criminal abducting women from across the world. Ngayong nasa Pilipinas na ito naghahasik ng lagim, wala siyang nakikitang dahilan kung bakit hindi niya kokomprontahin ang tanyag na...