5:00
Surely he has a weakness right? A reason behind the murders?
Kasi kung wala, hindi ko alam kung papaano pa kami makakawala sa hawlang tinayo ng halimaw na ito. I needed something to use against him, otherwise prolonging our lives is the best option I have. At mukhang mahirap tuparin ang ninanais ko gayong kulang din ako ng kaalaman ukol sa kalaban.
“I-imposible. May rason siguro kung bakit niya ito ginagawa sa atin. May paraan din siguro para tayo’y makatakas…”
Iniling niya ang ulo. “The only thing you could do to escape is to actually survive…”
“Survive him?”
Hindi niya niliwanagan ng mabuti ang sinabi, at sa halip, ako’y hinawakan na lang sa braso para itakwil palabas.
“Umalis ka na. Magsasara na ang pintuan…”
Gusto ko man siyang usisain pa, nauunawaan ko ang pangakong binitawan ko kay Kenna at ang kapahamakan maaring nag-aabang sa aming dalawa sa oras na mapag-initan kami ni Maradona–kaya wala na rin akong nagawa kundi ang kusang sumama.
Hindi na lang ako umimik at mahina siyang pinasalamatan.
“Don't tell anyone about what I said to you, okay? Dahil sigurado akong magpapanic silang lahat. Baka nga mas lalo pa silang magrebelde kay Maradona… sa ngayon, kailangan natin sundin ang kagustuhan niya kung ayaw niyong masaktan at mapa-aga ang inyong kamatayan.”
Tumango na lang ako bilang pagtalima atsaka pumihit na paalis.
Ngayong unti-unti nang nabubuo ang bitak-bitak na larawan, mas nabibigyan linaw ang aking pagsisiyasat at mga katanungan. Hindi magtatagal ay makakahanap din ako ng solusyon, pero sa ngayon, habang wala pang konkretong plano, kailangan kong makalikom ng sapat na intel.
Napasadahan ko ang mga silid ng ibang kababaihan, ang iba'y nakatinginan ko pa. Base sa oras na tinatantya ko, ilang segundo ay magsasara na ang mga pintuan, at gaya ng inakala ko, rumagasa ang mahinang pag-ugong nito.
Binilisan ko ang pagtakbo hanggang sa marating ang silid na malapit sa amin, ngunit bago pa ako tuluyang maka-balik, nabigla ako nang mabilisang magsi-sarahan ang mga pintuan.
Kumalabog ang puso ko sa kaba at takot. Nasisigurado kong may isang minuto pa ako para maka-balik. Imposibleng mali ang kalkulasyon ko gayong pinagmasdan ko ang contraption ng pintuan.
Nilibot ko ng tingin ang lugar hanggang sa dumapo sa hindi inaasahang panauhin. Mula sa aking kinatatayuan, agad akong natigilan.
Pinagpawisan ang aking kamay habang napalunok naman ako ng malalim. Ilang dangkal lang mula sa koridor patungong dining hall, nabungaran ko ang pigura ng isang tao. Si Maradona…
"I'm glad you're getting along with the others.”
Alam niyang pumuslit ako sa silid ni Meredith.
Hindi naman ako tanga para hindi i-konsidera ang peligro sa pagtangka kong pag-dalo, kaya hinanda ko rin ang sasabihin.
“Y-yes…” Bakit ako nauutal?
Parang bumagsak ang puso ko sa talampakan dala ng sobrang pagka-nerbyos at pamamanhid ng kabuuan. Kilala ko ang lalaking ito, alam ko rin ang kakayanan niyang kumitil sa isang kurap lang ng mata—kaya tipong nasa hukay ang kalahati ng katawan ko. I was playing a dangerous game of poker and my life was the money I gambled.
Now was the time to use my astute observation after years of serving in law enforcement. Wala man siyang kahinaan, nababatid ko naman ang tungkulin at tayo ko dito.
BINABASA MO ANG
12:00
Mystery / ThrillerFor years, Police Seargeant Lily has been in pursuit of an unnamed criminal abducting women from across the world. Ngayong nasa Pilipinas na ito naghahasik ng lagim, wala siyang nakikitang dahilan kung bakit hindi niya kokomprontahin ang tanyag na...