9:00

44 3 1
                                    

9:00

Dreams weren't a regular occurence to me. Bihira lang ako dalawin ng mga panaginip, halos puro trauma at masasakit na alaala lang ang kumakatok. Akala ko tuluyan ng ganito habangbuhay, na magiging malungkot o kaya naman walang ligaya ang aking munting panaginip.

‘Am I supposed to say your name?’

Naka-tulala ako ngayon sa gitna ng abandonadong bahay. Wala ni isang kusing na senyales ng buhay ang naririto, maliban sa akin.

Wala na akong ibang naging reaksyon matapos magising dito, dahil alam ko na agad ang mangyayari at pati ang mga kaganapang dapat ay asahan ko.

Ilang saglit akong naka-upo sa maruming sahig na iyon, tahimik at walang kibo. Nabasag lamang ang katahimikan nang biglang bumukas ang akala ko’y sirang telebisyon.

“My brides... I know you're all awake by now. You must be wondering where you are.”

The voice from the television sounded like a nightmare.

“You're all in an abandoned town of my choosing. The doors in your rooms are locked, I will tell you where the key is at the end of my announcement unless you want to stay trapped and die from suffocation.”

I stand there for a few minutes, trying to process everything he has said. Ang mababaw na paghinga ko ang tanging umaalingawngaw bago rumolyo ang palabas sa isang larawan ng mapa. Sa tingin ko’y mapa ito ng bayang kinalalagyan namin. Ilang segundo lang tumagal ang playback bago ito lumipat sa mga live CCTV footage ng isang bayan, isang cathedral, at ang huli’y mga kuha namin mula sa camera.

Tinitigan ko ang camerang naka-tago sa isang sulok ng silid na ito at nakumpirma ang hinalang lahat ng ito’y ine-ere ng live.

Habang abala sa pag-suri sa mga CCTV cameras, patuloy naman ang rolyo ng casette tape.

“Today is a test of loyalty and dedication.” Pagpapatuloy ng anunsyo. “The wedding starts at midnight, come to the center of town in the cathedral, where we will be wedded.”

Hinintay ko ang sunod nitong sasabihin matapos ng saglit na pag-himpil.

“But… only one of you can meet me at the altar.”

My breath caught in my throat. Tila naging paralisado ako sa nadinig. I could tell that I wasn't the only one who was surprised by this news, I think all the girls by now are either panicking or have completely lost hope. Hindi naman ako naging kampante kahit kailan sa mga pangako ni Maradona, gayunpaman hindi ko pa rin mapigilan magulat.

Kalahating parte sa akin ang gusto na lang iligtas ang sarili, ang isa’y naniniwala pa sa himala. I was still trying to accept my fate when the speakers roared again.

“At the stroke of 1 PM, the chase will begin, at every hour, one of you will be killed.”

Nagkaroon ako ng saglit na kaliwanagan. Sa lahat ng ito, iisa lang din pala ang maaaring mabuhay. And in his last game, One was the winner.

Kung ganon, kung sino man ang mabuhay ngayon ang siyang magiging unang bilang sa susunod?

Is this a cycle?

Does it matter if we win? Lalo na't kung babalik din naman sa impyernong ito? I was confused.

Did One knew all of this? Sadya niya bang tinago sa amin ang lahat ng nalalaman para siya muli ang manalo?

Paulit-ulit akong kinakain ng mga katanungan. Pakiramdam ko’y kada pumapatak ang segundo, mas lalo akong nagngingit-ngit sa galit, dala ng katangahan para ako pa’y maloko ni One - dala rin ng aking pagiging estupida kung bakit ba ako naniwala na matutulungan kami ni Midnight.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 28 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

12:00Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon