Part: 10

16 0 0
                                    

Part: 10

Wednesday. Okay na ang panahon kaya may pasok na kami. Ayaw ko sanang pumasok, ayoko na habang buhay kung sa school lang din na iyon, pero wala akong magagawa. Pagdating ko sa classroom, umupo agad ako sa pinakalikod. Tumabi saakin si Gio.

Gio: Matt, pare. Kumusta ka na? Nakita ko yung nangyari sayo kahapon ah.

Hindi ako sumagot.

Gio: Okay lang yun pre. Sus, para namang di ka na nasanay sa mga yun.

Matt: Kahit naman ayokong masanay, kailangan rin talaga eh. Okay lang naman na ipahiya nila ako sa harap ng buong school, pero yung pinahiya nila ako sa harap ni Steph, sana namatay na lang ako.

Sobrang pagka-inis at galit ang nararamdaman ko.

Matt: Ngayon na nga lang ako pinansin nung tao eh. 7 years, tangina! Bakit kasi sa ganung tao pa 'ko nagkagusto. Alam ko namang di niya 'ko magugustuhan. Putanginang puso yan, ang taas ng pangarap.

Gio: Kalma lang. Pero ganun kasi talaga pare. Di mo naman mapipili kung kanino ka maiinlove. Pag tinamaan ka, yun na yun, abot mo man o hindi. Sabi nga sa kanta, pag tumibok yan, tangina wala ka nang magagawa.

Nagulat ako sa mga sinabi ni Gio. Hindi ko alam na may ganitong nalalaman pala 'tong taong 'to.

Matt: Ikaw ba yan?

Gio: Ay hindi. Si Tom Cruise. Kamukha ko yun eh.

Matt: Tangina nito. Nakakapanibago ka eh.

Gio: Di naman kasi ibig sabihin na ganito ako, na parang walang pakialam sa mga bagay bagay, eh walang nararamdaman. Tao rin ako gago.

Matt: Tao ka pala. Ngayon ko lang nalaman.

Gio: Ulol!

Napatawa kaming dalawa.

Gio: Basta pare, pag kailangan mo ng kausap, sabihin mo lang.

Matt: Salamat, pare.

Kahit papaano, gumaan ang pakiramdam ko. Ang tagal ko nang kilala't kaibigan si Gio, pero ngayon ko lang nalaman na nakakaramdam din pala 'tong gago na 'to. Sa unang pagkakataon, nakausap ko siya ng matino.

I.D.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon