ALEXSANDREA
WHAT THE FUCK JUST HAPPENED?!
Wala akong nagawa kundi ang pagmasdan ang lalaki na alalayan ang asawa ko at igiya sa table na kasama pa ang pamilya ni Arthur, kita ko pa kung paano sila magyakapan na para bang nakatanggap ng napakagandang balita.
Nakangiti silang lahat, kitang - kita ko kung paano pasimpleng tumingin ang chairman sa gawi ko bago tanggapin ang pakikipag - kamay ni Arthur.
Si Arthur na kung makangiti ay akala mo naka-jackpot!
Fuck!
Well hindi lang jackpot, naka home-run pa nga ang animal!
Ang sakit n'yo sa mata pare-pareho, paulit-ulit akong lumunok dahil nararamdaman ko ang unti - unting pagbara sa lalamunan ko.
Gusto kong ihakbang ang mga paa ko papalapit sa kanila pero hindi ko magawa.
May kung anong pumipigil sa akin na lumapit sa kanila.Nararamdaman ko ang pamumuo ng luha sa mata ko, paulit-ulit ako sa paghinga dahil ayokong gumawa ng eksena.
Ayokong masira ang lahat ng pinaghirapan namin pare-pareho. Wala akong nagawa kundi ang yumuko.
Hindi ko na kayang makita.
AYOKO NA.
PUTING PANYO.
May puting panyo sa harapan ko,
tumingala ako para tingnan ang kung sino ang nag-abot nito sa'kin at nakita ko sa harapan ko si Ate Kamila.Tiningnan ko lang siya, gusto kong magsalita pero hindi ko kaya. Parang sa isang iglap ay nakalimutan ko kung paano gamitin ang boses ko. Nakatingin lang siya sa'kin, sa mga mata niya ay mailalarawan ang lungkot, awa at pagtataka.
Inilapit niya sa mukha ko ang panyo at siya mismo ang nag - punas sa mga luha na hindi ko namalayang kumawala na pala sa mga mata ko.
"A-ate..."
iyon palang ang sinasabi ko ay parang hirap na hirap na 'ko."Shhhh, I'm s—sorry."
Patuloy lang siya sa pag - punas ng mga luha sa mata ko.
Mabuti na lamang at medyo nasa gilid ang table namin kaya hindi ako masyadong agaw-pansin.
Alam kong maski ang ibang kasama namin sa table ay nagtataka sa reaksiyon ko, maging si Austin pero wala akong panahon magpaliwanag.
"Shhhh....everything's gonna be alright."
Sana nga.
"LADIES AND GENTLEMEN, IT IS AN HONOR TO INTRODUCE THE YOUNGEST MEMBER OF THE BOARD AND THE NEWLY APPOINTED CHIEF EXECUTIVE OFFICER—ALEXSANDREA LEIGH DAVID - GOMEZ!!!"
![](https://img.wattpad.com/cover/357704473-288-k489769.jpg)
BINABASA MO ANG
David and Goliath (GL)
RomanceShe was the Boss, The typical cold-hearted bitch. While she was a hard-working employee. Everything was perfect until one piece of paper and a careless lie change their perfect separate lives. (This is a work of pure fiction and NOT related to the o...