[Messenger]
We Who Shall Not Be Named
7:02 PM
Troy
Saan ka banda?
Harper
Sa may stone benches
Near loading and unloading zone
Troy
Nakaupo ka ba?
Harper
No. Nakatayo ako
I'm wearing ateneo's shirt
Troy
Malapit sa babaeng naka-black headphone? Iyong nakaupo
Harper
Yes. Where are you? Di ko makita sasakyan ni Carl?
Troy
Ako lang yung lumabas
Bawal banda rito eh
Harper
Ow. Okay
I saw you na
Lapit ako
▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃
[Messenger]
BAD GENIUS (not really)
7:07 PM
Eleanor
May sumundo kay ate ghorl
Guys super pogiiii
Kaso mukhang ingleshero na masungit
Yannah
Shet
Teka lulundag ako ng train, punta ako diyan
Eleanor
Gagi HAHAHHAHAHA
Ria
Tong si Elle anong oras na
Di ka pa rin nakakasakay?
Eleanor
May mga dumaan nakalimutan kong parahin 😭
Ria
Ay gaga si ateng
Eleanor
Wala kasi kanina
So nanood ako ng cdrama sandali
Yannah
Tanga ka sumakay ka na
Pustahan naka-headphone na naman yan
Ria
Sumakay ka na. Lam mo namang kadulu-duluhan ng bansa ang Fairview. Sobrang traffic pa. Mga 10:30 ka na makakauwi niyan
Yannah
Oo tapos late ka ulit bukas
Eleanor
Oo na po mga nanay ko
Ria
Sinasadiya mo yata eh
Tamang isip ng rason kung paano sasabihin sa nanay niya na nawala niya pustiso ng lola niya
Eleanor
Siyempre kung iisipin ko yan edi sana sa bus na
D U H
BINABASA MO ANG
Red String
RomanceE P I S T O L A R Y "Regardless of place, time, or situation, the two people bonded by the red strings are destined lovers," sabi ni Google. Eleanor Bautista is a dentistry student. Laging confused, mahina sa direksyon, careless, at clueless sa mga...
