End

43 2 0
                                    

L E V I

First Encounter: Shibuya, Japan

Meiji chocolate....meiji chocolate.

Nabibili ba iyon sa convenience store?

I opened my phone and checked my mom's message. Nakalista ang mga bagay na pinabibili niya sa chat. Bukas na ang uwi namin sa Pilipinas kaya ngayon ko na inaasikaso ang mga bagay na gusto niya.

Nang macheck ang listahan ay pinatay at tinago kong muli ang cellphone sa bulsa. Hinintay ko munang mag-go signal ang stoplight dahil kailangan ko pang tumawid sa kabilang kalsada upang marating ang isang convenience store.

Inayos ko ang strap ng bag ko nang hindi sinasadiyang mapadaan ang tingin ko sa grupo ng taong nasa loob ng convenience store.

Filipino ba sila?

Mukha silang pinoy. Hindi ko lang sigurado kung nandito sila para magbakasyon o dito na sila nakatira-or maybe they're here for work?

Wala man sa loob ay alam kong maingay at magulo ang grupo nila. Isang lalaki (?), at apat na babae ang nasa loob. Ang tatlo ay nagpaalam sa dalawang babae na uupo sa mesa sa tapat ng glass window. Tinuro kasi nila iyon.

Kumuha ng yakisoba pan ang isa sa kanila. Magaslaw ang kilos nito, at ang isa ay ilang inumin at ice cream, habang ang isa ay inabala ang sarili sa pag-ihip sa mainit nitong ramen.

Sa kaniya napirmi ang tingin ko.

Why is she wearing an akatsuki cloak? May bandana rin siya ng hidden leaf village na halos wala na sa ayos ang pagkakalagay sa kaniyang noo. Ang mahalaga kasi rito ay ang ramen niya.

A smile formed my lips. She looks so happy and content.

Nang pwede na ay saka ako tumawid sa kalsada. Pagpasok na pagpasok sa convenience store ay narinig ko ang boses ng lalaki sa kanila.

"Putangina, Jay! Para kaming tanga kanina. Sabi-sabi pa ng arigato ang gaga, sinasabihan na pala kaming bobo nung tambay."

"Eh, bobo naman talaga tayo, Yannah. Walang matalino ang maghuhulog ng paper money sa coin machine," dinig kong sagot ng naka-akatsuki cloak.

"Ah, bobo nga kayo."

I immediately went to the aisle and searched for Meiji chocolate. Kumuha na rin ako ng ibang sa tingin ko ay magugustuhan nila ni Tita.

"Kagat ka sa yakisoba ko."

Mula sa shelf ay nakita ko ang pag-alok ng tinawag na Jay kanina kay Ms. Akatsuki which she gladly accepted. Imbis na maliit ay kinalahati nito ang kagat sa Yakisoba. Nanlaki ang mata ng tinawag na Jay.

"Gahaman ang lintek!"

I laughed pero agad ding napatikhim nang mapagtanto ang ginawa ko. 

Iniwas ko ang tingin sa kanila at tumingin-tingin pa ng ibang pwedeng bilhin. Nang ayos na ay saka ako pumila sa counter. Naghintay ako sa pila, at saktong noong ako na ang magbabayad ay muli silang nagkagulo.

"Makikipagkita ka na ba kay San Pedro? Hala! Kung mamamatay ka man, 'wag sa banyagang bansa, Elle! Hindi namin alam ang proseso ng papeles mo!"

"Iluwa mo ang yakisoba, Elle! Huwag mong hayaan na dumiretso agad sa letter M pagtapos ng K ang English alphabet!"

Red StringTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon