Mga naka italicize, flashback yan. ;)
_____________________________________________
"Tanan tayo?" tanong ko sa kanya habang hawak hawak ko kamay niya.
Alam ko anong iisipin mo.
Tanan.
Napakawalang kwentang salita sa mga matatanda.
Pero sa mga dalaga't binata? Ano ba ang salitang Tanan?
"Ha?" tanong ni Clara sa akin. Halata na nagtataka siya sa inaasal ko ngayon.
"Pakiusap. Alam ko iniisip mo na, sira ulo na 'tong syota mo, pero sige na. Di ko kaya na ipaghiwalay--" Ipinaghihiwalay kasi kami ng mga magulang namin. Kasi, kasi iba ang mga relihiyon namin. Katoliko ako, Muslim siya.
"Sige." sabi niya habang nakangiti. Pero bakas pa rin ang kaba sa kanyang mga mata. Isinandal niya ang ulo niya sa dibdib ko.
Tanan?
Isang paraan na magsama kayo ng mahal mo ng pahabang buhay.
Habang buhay nga ba?
Isang krusyal na desisyon.
Pero sa iba, oks lang. Hanggat si mahal ang kasama.
Pero...
"Babe, dali ha? I-catch mo yung mga gamit ko ha?" sabi niya mula sa bintana ng kwarto niya.
Tumango lang ako.
Inihagis niya yung mga gamit na nacatch ko rin.
"okay ka lang?" tanong niya.
Tumango lang ako ulit.
Pero paano kung naiisip mo bigla, na maari mong masira ang kanyang kinabukasan?
Paano kung. . .
Tama ba tong ginagawa ko? Hi-hindi. Hindi to tama.
"Clara. Im sorry." sabi ko habang hawakhawak ko kamay niya.
"Ha?" napatingin siya sa akin.
Yinakap ko siya mula sa likod. Nasa park kami ngayon. Wala pa kaming nahanap na matirahan.
"Bakit naman?" tanong niya.
"Ang sama kong boyfriend." Kumalas ako sa yakap at umupo ako sa tabi niya. Ibinaon ko ang kamay ko sa mukha ko.
"Ha?"
"Linalayo kita sa mga magulang mo. Sa kinabukasan mo. Clara, inilalayo kita sa mga dahilan kung bakit ka andito."
"Adrian..."
"Uwi na tayo?" tanong ko habang nakatingin sa kanyang mga mata.
Ngumiti siya. "Si-sige."
"I'm sorry..."
Yinakap niya ako. "Okay lang yun."
Naglakad na kami palayo. Naramdaman ko na may sumusunod sa amin.
Pagtalikod ko...
BOOGSH!
"ADRIAAAAN!" napadapa ako bigla sa pagsuntok sa akin.
"Cla-Clara..." mahina kong sambit.
"HAHAHAHA! Ang lampa naman ng boypren mo, miss." Nakabukas pa rin ang mga mata ko. Makikita ko pa rin kung ano yung ginagawa nila kay Clara. Nakita ko na hinawakan niya ang mukha ni Clara.
Doon ako napatayo.
"BITAWAN MO SIYA!"
"HA! AKALA MO MATATAKOT MO AKO?"
Di na ako nagpatumpik tumpik pa. Agad ko siyang sinuntok. Pero nakabawi siya agad. Napahiga ako ulit sa sahig.
Nakita ko na may inilabas siya na kutsilyo.
Shit.
Pero ano ba talaga ang tanan?
Masyado akong mahina para gumalaw lang man.
"Tama na!"
Eto na ata ang huli kong araw.
SHING!
Narinig ko ang pagpasok ng kutsilyo sa katawan ko.
Pero wala naman akong nararamdaman.
Idinilat ko ang aking mga mata, at nadatnan ko si Clara sa tabi ko na duguan.
Shit.
"Clara!"
Tiningnan ko nalang ang kriminal na tumatakbo palayo.
Gago.
Bumalik ang atensyon ko kay Clara na ngayon ay nanghihina na. "Adrian..."
"Clara!--"
"Shhh...Ma...hal...na m-mahal...kita..."
"Clara...Mahal na mahal rin kita."
Ngumiti siya at tuluyan na siyang nawalan ng malay.
"CLARA!!!!"
Kung itatanong niyo ako.
Ang pagtanan ang nagnakaw ng buhay ng mahal ko.
______________________________
Ay shet. CLARAAAAAAAAAAA! CLAAAAAAAAAARA T_________T hahaha jkra. =)) Musta yung story? okeba? Comment naman diyan! =))
BINABASA MO ANG
One-Shot Stories collection
Teen FictionCollection of One-Shot stories by woowriter.