Pagka-alis nung babaeng tinanungan ko, dumiretso na ako sa c.r. kasi nga ihing-ihi na ako. "Liko, mmmm, men, yun! women" sabi ko habang naghahanap sa c.r. at sa wakas ay nakita ko na rin. Pagpasok ko ay may mga babaeng nag-aayos sa may salamin.Tatlo sila, puro magaganda.I think fourth year students narin sila katulad ko pero parang taga ibang section. They all stared at me with that "what-is-she-doing-here-look" .Bakit? sila lang ba pwede mag c.r. dito? Student din ako ah. May karapatan din akong gumamit ng c.r. .Basta ang weird ng tingin nila sa'kin. Ang awkward tuloy. -__-
Hindi ko nalang sila pinansin pumasok agad ako sa cubicle ng c.r. at nagrelease ng toxic sa katawan ko.
" Siya ata yung bagong lipat dito. Bakit siya dito nagc.r. eh may bagong c.r naman dun sa 2nd floor?" sabi nung isang babae ng pa 'whisper'. May pa whisper'whisper pa silang nalalaman eh dinig nadinig ko naman. >.<
"Baka hindi pa siya nasabihan na hindi dapat mag c.r. dito" sabi naman nung isa. EH? hindi dapat mag c.r. dito? Eh bakit sila nandito? -___-
"Baka dinala na naman siya dito ni Krizel" sabat nung isa.Krizel? eh? sino yun?
"Sigur----" Hindi na natuloy nung isang babae ang kanyang sasabihin dahil lumabas na ako sa cubicle at lumapit sa salamin. Nagsipag-balikan sila sa kanilang ginagawa at ako naman, nag act na wala akong narinig ni isa sa mga sinabi nila.Syempre diba? Alangan naman sumbatan ko sila diba? Yoko. Baka mabugbog pa ako dito ng wala sa oras. Mag-isa lang ako eh. Tatlo sila. Baka hindi na kami magkikita ng prince charming ko kung saka-sakali. Mamumuti mata nun sa kakahintay sa akin.Baka mag- RIP ako ng wala sa oras kung susumbatan ko tong tatlong to.
"uh, miss?" Tanong sa akin nung i think yung pangalawang babaeng nagsalita kanina habang nasacubicle ako habang ng
"Eh? Bakit?" sagot ko. "Hindi ka ba nasabihan ng mga classmates mo na bawal mag c.r. dito?" sagot niya ngayon naghuhugas ako ng kamay.
"Eh kung bugbugin ko kaya kayo? Bawal? tapos nandito kayo? ano to? biru.an?" pero syempre di ko sinabi yun no. Baka hindi na ako makalabas dito nang buhay.
"Ah, eh, hindi eh. Bakit bawal? Maayos pa naman to ah." tanong ko.
"Oo, hindi na dapat mag-c.r. dito kasi----" putol na sagot niya. Siniko-siko kasi siya ng katabi niya na para bang sinasabi niyang "huwag mong sabihin" .
Bugbugin ko kaya 'to? Anselfish eh. Parang nahiligan ko na ang pambubugbog ah? Pero syempre, di ko gagawin yun no. Expell aabutin ko. Tsaka good girl ako. XD
"Ah, eh bakit nandito kayo?" pagtatakang sagot ko. Nagkatininginan silang tatlo. Nang nagkatinginan. Nang nagatinginan. Nang nagkati---
"Basta miss. Huwag ka nang mag c.r. dito. Dun ka sa 2nd floor. May bagong c.r. dun. " sagot nung isang girl. Hindi nalang ako nagtanong kung bakit, hindi rin naman nila sasagutin eh. >__< "
"cge. salamat. Ah, mauna na ako, may pasok---" Hala! 15 minutes lang pala yung Recess Break! Eh parang maga-one hour na ako dito eh. Lagot akoooooo..
"may problema ba miss?" pag-alalang tanong nung isang girl. Like she cares?
Ba't ba ang bad girl ko? Ganyan talaga ako eh. >:)
" Ah, wala, wala, cge mauna na ako sa inyo. Kita nalang tayo sa susunod" at tumakbo na ako papuntang room namin. Alam ko naman yung daan pabalik. Hindi naman ako ganun ka makaka-limutin. 15 years old pa ako. Hindi pa ako ulyanin. XD
Nang makarating ako sa room namin, eh ano pa nga ba? Eh di pinagtitinginan ako kasi ako nalang yung hindi napasok. Tanggalin ko mga eyeballs nito eh.
"Miss Keira Marie, napa-aga ka yata?" ganun? Ang ironic naman ng teacher na to. Nakiki-uso. >:)
"Ah ma'am, i went to the comfort room po kasi" mahinang sagot ko. Nakakahiya kaya. Baka anu pang isipin nila eh. 1 hour kaya ako nandun. I know people's mind, how they think, ganun kasi ako eh. >:)