7pm na at nag-dinner na kami. Pagka-uwi namin kanina ay kumain nalang kami sa Jollibee at dun nalang nag early dinner. Pagod kasi si daddy. At wala na kaming mommy, at pagod rin ako (kahit walang ginawa) ay walang magluluto.
My mom died dahil sa panganganak kay Sienna, yung bunso namin. So, yun. Ayoko nang halungkatin yun, yoko umiyak. ;)
Nanood kami ng tv sandali at pumunta sa studyroom para mag assignment. Ayos nga eh, first day palang may assignment na, ayos na ayos, sarap mag transfer. -__-
Habang nag-aasignment kaming tatlo, ay nag uusap ang dalawa kong kapatid.
"oo nga, pupunta na sana ako kanina dun ate, buti nalang sinabihan agad ako ng classmate ko" sabi ni Sienna.
hmmm, ano kaya topic nila? OP naman ko dito. --___--
"Ako nga rin eh, nakakatakot siguro dun no? Ano kaya hitsura nung cr na yun? At ano kaya hitsura ni Krizel? Eeehhhh, baka creepy. Kakatakot naman dun" sabi ni Kendall.
Cr? Anong cr? Yun kaya yung pinuntahan ko kanina? Krizel? Hmmm, i think i heard that name before, pero di ko matandaan kung saan at kelan. Maki-sabat nga.
"Cr? Anong cr? At sino si Krizel?" tanong ko sa kanilang dalawa.
"Yung cr sa first floor kasi ate, bawal na daw pumasok dun kasi may nangyari daw dun." sagot ni Kendall.
Bawal pumasok pero bakit bukas yun? Tsaka anung ginagawa nung mga babaeng yun dun kung alam nilang hindi na pwedeng pumasok dun? Baka sila yung nag open. Hala. Lagot. At may nangyari? huh?
"Bakit ano ba nangyari dun?" nacucurious na tanong ko.
"May pinatay daw dun eh. Yun lang yung sinabi ng classmates ko. Ayaw na nilang sabihin kung paano pinatay at bakit pinatay. Basta may pinatay daw." -- Kendall
May pinatay? hala. Pero---
"At sino naman si krizel?" tanong ko ulit.
"Siya yung pinatay"