"Siya yung pinatay"
"Siya yung pinatay"
"Siya yung pinatay"
"Siya yung pinatay"
argggh! Ayaw mag sync-in sa utak ko. May namatay na sa school namin? pinatay siya dun sa cr? Bakit naman siya pinatay? Paano siya pinatay? Nakaka-curious naman. >..<
----
This is my second day in my new school. As usual, hinatid kami ni daddy sa school. Pagkarating namin ay biglang may tumawag sakin.
"Hi Keira!"
Nilingon ko naman. Hindi ko natatandaan ang mukha niya.
"Hi" Sabi ko nalang.
"Im Sheen, remember?" pagtatanong niya. Parang nahalata siguro niya na hindi ko siya natatandaan. Halata naman kasi yung facial expression ko eh. -__-
"Ah -- eh , hindi eh.. Sorry ha, pero parang familiar yung mukha mo" sagot ko naman. Familiar naman talaga kasi yung mukha niya tsaka yung name pero di ko matandaan. >.<
Iniisip ko kasi yung sinabi ni Kendall sakin kagabi. Di cya maalis sa utak ko,
'Ako yung seatmate mo'
Ay oo nga pala! natatandaan ko na!
"Ah, oo. Ikaw pala yun! Hehe. Pasensya ka na ha, may iniisip kasi ako eh"
"Okay lang, hehe. Ano bang iniisip mo? If you don't mind me asking?" tanong niya sakin.
"Ahh," mmm.. chance ko na toh, baka may alam siya.
"Kilala mo ba si Krizel?"
Pagka tanong ko sa kanya ay nanlaki yung mga mata niya. Hmmm..
"Krizel?" - sheen
"Oo, Krizel. Kilala mo siya?" -- ako
"ah--," ba't parang nauutal siya?
"Kilala mo?" follow up question ko.
*KRIIING!*
"Naku! Tara na! Malelate na tayo!" -- Sheen
Hinila niya yung kamay ko at sabay kaming tumakbo.
Ano ba naman yung bell na yun! Panira ng moment! Hmp! Nevermind na nga lang. Mamaya ko nalang siya tatanungin ulit. Basta ang alam ko ngayon, kelangan kong tumakbo ng malakas para hindi ako malate, hindi KAMI ma late. Baka pareho kaming mapahiya. No way. Not again . -__-
---
Recess na at salamat sa diyos hindi kami nalate kanina. Wooh! XD
Pumunta ako mag-isa sa canteen. May pinuntahan daw kasi si Sheen kaya hindi kami sabay mag-snack. Mamaya niya nalang daw sasagutin yung tanong ko. Buti naman naalala niya pa. :D
Bibili na sana ako ng food ko nang may nagtakip sa mga mata ko. Hinipo-hipo ko yung kamay at sure akong pangbabae kasi maliit. Baka si Sheen to.
"Sheen?" tanong ko. Sinubukan kong tanggalin yung kamay niya pero malaks siya. Hmp! Mas malaki kasi sakin ng konti si Sheen kaya mas malakas siya.
Hindi siya nagsalita at hinila ako kung saan habang nakatakip parin yung mga mata ko.
"Sheen? Saan mo'ko dadalhin?" Enebenementeng friend na'to. Ansakit na ng arms ko kasi ang lakas ng pagkakahawak niya. Wala pa akong makita. WORZST.
"Uy,Sheen. Saan ba tayo pupunta?" -- Ako
Saan kaya ako dadalhin netong babaeng to? Bugbugin ko kaya to? Joke.
Hindi parin siya sumasagot at patuloy lang kami sa paglalakad. Huhu. Nasan na kaya kami. Baka kidnap to. -__-
"Sheen? Ikaw ba yan?" - Ako
Tumigil na kami sa paglalakad at tinanggal niya na yung kamay niya sa mga mata ko. Pagmulat ko ng mga mata ko ay lumingon agad ako sa likuran ko para tignan kung sino yung nagtakip sa mata ko at nagdala sa akin dito pero wala na siya. Wala siya. Ako lang mag-isa dito.
Dito sa-------
Oh My Gosh.
Nasa 1st floor na Cr ako. Yung may pinatay na babae. Yung Krizel.
Oh maaaaaaaaaaaaaaaaaaaaayyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy!!!!!!
--
AN: Guys! Sana po nagustuhan niyo tong chapter na to. Support this story po. Vote and comment! Thanks for reading! God Bless! :)