Something?

28 0 0
                                    

CHAPTER 2

oooo*oooo

"Jessy! Jessy! Tingnan mo yung picture mo sa baba. Ang ganda." Sabi ng kanyang kaklase. Kasalukuyan silang nakaupo sa sahig at nag-uusap-usap ng kanyang mga kaibigan.

"Ows? talaga? Tingnan natin!" Sabi pa ng isa.

Patakbo naman silang bumaba galing sa kanilang silid eskwelahan. Sumali kasi ito sa patimpalak para irepresenta ang kanilang team bilang Ms. Sportsfest ng kanilang paaralan. Hindi naman talaga planadong sumali siya rito. Hindi rin naman kasi siya nag-aayos. At napilitan lang dahil wala ng ibang makuha ang kanyang guro na pwedeng pasalihin. Sabi naman ng iba na may-itsura ito. Konting ayos lang eh, okey na.

Kakapost lang ng mga larawan nila na noong nakaraang sabado lamang napicturan.

"Jessy! Ang ganda mo naman! Nako! Sabi na nga ba dapat na mag-ayos ka eh." Puri ng isa sa kanya ng isang kasama.

"Oo nga. Ang ganda mo." Nagulat naman siya sa isang boses na medyo maliit pero tinig lalake na narinig niya mula sa likod.

"Ah. Hindi naman." Nahihiyang sagot niya. Naiilang pa kasi siya dahil sa sinabi nito noong nagdaang gabi.

"Nako! Hali na nga kayo! Nakikigulo pa kayo jan! Dali naaaaa!" Baling niya sa kanyang mga kaibigan.

"Sus. Nandyan kasi si Arthur! Haha. Joke! Pero Jess, sa tingin ko, ikaw ang mananalo. Ganda-ganda mo oh." Sabi ng kaibigan niya habang pabalik sa kanilang silid.

"Wala akong panlibre. Kaya tumigil ka jan." Sagot niya na siyang ikinatawa naman ng kaniyang mga kaibigan.

Ng makarating naman sila sa kanilang silid ay napagpasyahan niyang matulog muna sa pianakamalapit na arm-chair dahil na rin sa pagod dala ng kanilang praktis. Maari naman niyang gawin ito dahil self-contein naman sila dahil nga magkakaroon ng activity ang kanilang paaralan.

Isinubsod niya ang kaniyang mukha sa dalawang kamay na naka-cross at nakapatong sa upuan. Naramdaman niyang may tumabi sa kanya. Pero di niya ito pinansin dahil antok na antok na talaga siya.

Ilang minuto pa ang lumipas ng mapansin niyang tila may bumuhat sa kanyang ulo at isinanday ito sa isang mabango at malambot na bagay.

"Wag kang matulog na ganon. Sasakit ang batok mo niyan." Nagulat na lamang siya ng marealize kung sino ito.

"A-arthur." Gulat pero pabulong na sabi niya. Inilihig pala nito ang kanyang ulo sa balikat.

"Nagising ba kita? Sorry. Sige matulog ka nalang muna. Wala namang teacher." Mahinahong sabi nito.

"Salamat." Yun nalamang ang nasabi niya dahil hindi na niya nakayanan ang antok.

Ang mga sumunod na araw ay naging maganda. Magkasabay na silang dalawa ni Arthur sa pagkain. Maging reccess man o lunch. Pero syempre, kasama rin naman ang iba pa nilang mga kaibigan. Hindi na siya nailang kay Arthur at nakasanayan na niya itong kasabay.

Natapos na rin ang patimpalak. Masaya naman siya sa nakuhang premyo. 1st runner-up. 'Hindi na masama' sabi pa niya. Nakuha niya rin ang Miss Photogenic at Best in Question and Answer. Dahil sa first-timer at mahiyaing katulad niya ay malaking achievement na ito.

Nagdaan ang ilang buwan ay natapos na ang kanilang school-year. Sa text o tawag nalang sila nagkakausap ni Arthur. Minsan kapag nagyayaya ang mga kaklase nila ay sumasama siya minsan at minsan, kasama naman si Arthur.

------------

Update! Yeeeey. Madali na akong makapag-update kasi na memo ko na.

Omo! Hi readers! Salamat sa support. :*

-Top

NPS *No Permanent Status (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon