CHAPTER 4
Kasalukuyang tinutukso ni Jessy kasama ng kanyang iba pang mga kaklase si Aysa sa kaklase rin nilang si Marlon. Nag-dududa kasi sila kung ano ang meron sa dalawa. May nasa-sight kasi silang 'something' yun nga lang ayaw namang umamin ng dalawa.
"Ma, si Marlon na ba ang tatay ko?" pabirong tanong ni Jessy kay Aysa.
"Ano ka? Koreano ang tatay mo." Maang na sagot naman sa kanya nito.
"Weeh. Si Mama! Deny deny pa! Si Marlon na ang tatay namin!" Tukso naman ni Aima na pinakabatang kapatid niya DAW.
"Hindi ngaaaaa." Matonong sagot naman ni Aysa.
"Mama! sige na kasi. Biglaan mo nalang naging paborito ang thirteen tapos ayaw mo namang sabihin sa amin kung bakit. Tapos oh, A.. B.. C.. D.. E.. F.. G.. H.. I.. J.. K.. L.. M.. Oh. Pang thirteen ang M!" Sabat naman ni Achelia. Na panganay DAW nila.
"M! EQUALS MARLON!" Segunda naman ni Gwenduleen na kambal DAW ni Achelia na ibig sabihin ay panganay din DAW nila.
"Wahahaha. Anak! Drayber lang ang asawa mo? hahahahaha." Kutya naman ni Kristoff na pinakanuno-nunoan DAW nila. Sa kanya DAW nagsimula ang kanilang pamilya.
"Ano ba kayo! si JESSY ang gusto non." giit naman ni Aysa.
Bigla namang nagtili ang kanyang mga kasama. "Nako. Change topiiic! Tsaka, iyo na yun!" React naman niya.
"Asuuuus! Deny deny ka pa! Ano yan? Pinag-aagawan ng ina at anak?" Sabi ng Blaige isa sa kanyang mga kasama.
"Hindi no. Kay Nanay lang yon." Sabi naman niya.
Nagpatuloy lamang sila sa pag-uusap at asaran ng dumating ang kanilang guro.
Recess nila ngayon. At hindi na siya nag-atubiling bumaba ng canteen dahil wala siya sa mood.
'I love you'. Isang text ang bumugad sa kanya sa kalagitnaan ng kanyang pagmumuni-muni.
'huh? joker ka Marlon'. Tanging nareply niya. Hindi naman siya masyadong affected o nabigla dahil may ilang beses na nitong nasabi sa kanya iyon.
'seryoso nga'. sagot naman nito. hindi na siya nag-abalang magreply dahil alam niyang nantitrip lang ito.
"Oy Marlon. sino nanaman ang nagtext nun? corny ha!" Sabi niya rito ng mapadaan ito sa kanyang upuan na malapit sa pintuan-kakatapos lamang ng break.
"Ako nga ang nagtext nun. Diba Red?" Baling naman nito sa bestfriend niya.
"Oo Jess. Nakita ko pa nga yun nung pababa kami sa stairs." Segunda naman ni Red.
"Oh see?" sabat naman ni Marlon.
Nagkibit balikat na lamang siya at pinagpatuloy ang kanyang ginagawa.
Gabi na at kasalukuyan niyang ginagawa ang kanyang asignatura.
'Pwede bang manligaw?' Isang message nanaman ang kanyang natanggap. Agad naman siyang napalikwas sa pagkakadapa sa kama. Hindi dahil sa galak kundi dahil sa shock.
Ito ang unang beses na may nagtanong sa kanya ng ganito. Dahil kahit na umamin na at nagpapasweet si Arthur sa kanya, eh hindi naman to nag-udyok o ano. Speakin of, naging madalang na ang pagtext nito. Bagamat sabay pa naman silang maglunch eh parang hindi na katulad nang dati. 'haay. Arthur nanaman!' sabi niya sa kanyang isipan.
"Okey lang." Sabat niya at bumuntong hininga na lamang.
Kakatapo lamang ng kanilang klase sa araw na ito. Kasalukuyang silang tumatambay sa kanilang 'field' ito ang lugar kung saan ginaganap ang mga open space sports. Tulad ng soccer, softball, baseball o kung anu-ano pa.
"Oy Jessy! May nalaman ako!" Sigaw ni Maki habang patakbo papunta sa kanila.
"Ano?" Sagot naman niya na nagtataka.
"Kayo na daw ni Marlon."
"Huh?" Sabay nilang sabi ni Marlong na kasama din nila.
Kinutya-kutya naman sila ng iba nilang kasama.
"Hindi noh. Nagtanong lang siya." Pangangatwiran niya. Na nahiya-hiya pa.
"Oo nga." Segunda naman ni Marlon.
"Oh. anong sabi mo?" Baling naman ni Maki dito.
"Sabi ko, kung pwede manligaw." sagot naman nito ng nakayuko at tila binubunot ang damo.
"Ano namang sagot mo?" Baling naman sa kanya.
"Sabi ko, okey lang." Sagot niya.
"OOOH! EDI KAYO NA!" Pasigaw na sabi nito na tila siguradong sigurado.
"Gago! HINDI NGA!" Matawa-tawang sigaw naman ni Marlon.
Nagdaan ang ilang araw. At wala naman siya nababalitaan sa sinasabing panliligaw umano ni Marlon kaya ipinagsawalang bahala nalamang niya ito.
°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
I updated both of my stories just this night. Can you believe that? sinipag akong mag-update. Yey!
I know. Im such a weird kid. Sorry 'bout that. It just comes naturally. Mehehehe =)
And im planning on posting a one shot. It's pure english. Please read it whenever. Thanks :)
So anyways. Don't forget to VoMent and be a Fan.
~Top