CHAPTER 3
Bagong school year na. At pareho parin ang mga kaklase ngayon na napabilang sa 'Star Section'.
Dito napapabilang ang mga 'pinaka-matatalino' sa kanilang batch. Hindi rin naman ito nakakabigla dahil hindi man siya nakakatop eh wala naman siyang palya sa pagiging honor.
"Oy Jess! Dito!" Tawag sa kanya ng mga kaklase. Hindi niya napansing nilagpasan na niya ang designated classroom para sa kanila sa pag-aakalang sa kabilang classroom pa ito na sa mga Grade 5 pala.
Nangmakaliko pabalik sa classroom, tinawanan na lanang siya ng mga kaklase.
Ilang buwan na ang nakalipas, at nagsimula na rin ang 3rd Grading para sa naturang school year. Nakasanayan na rin ng mga kabilang sa paaralan nila na kapag bagong Grading eh, maglilipat sila ng upuan. 'Change seats' kumbaga.
Nakasanayan din na ang adviser ang pipili ng kanilang gusto upuan. Ngunit sa pagkakataong ito, tinuro lamangg ng guro kung saang pangkat sila uupo at maari sila ang pumili ng kanilang katabi.
Noong natapos na ang pagkakapangkat-pangkat ay tumayo na sila at pumili ng mauupuan. Laking gulat niya ng muntikan na silang magkatabi ni Arthur dahil sa iisang pangkat lamang sila. Nakaramdam naman siya ng ginhawa ng tawagin siya ng kaklaseng si Eulyza na tumabi rito. At ang ending, sa harap niya ang isang kaklseng si Claire na katabi naman ni Arthur na nasa harap ni Eulyza.
Aaminin niya man na kahit nagkakasabay sila. Paminsan-minsan tuwing break eh naiilang parin siya. Wala palya kasi si Arthur kung magpakasweet sa kanya tuwing nagtetext sila.
At naiilang naman siya sa mga nakakatunaw na titig nito tuwing nasa iisang lugar lamang sila. Laking pasasalamat niya rin dahil nasa likuran siya nito para hindi naman siya maconsciuos sa kanyang sarili.
Naging sobrang magkakalapit ang kanilang buong klase. Kaya nakabuo sila ng TROJAN HORSE FAMILY. Ang pamilya kung saan napabilang ang bawat miyembro ng kanilang klase. May ama, ina, lolo, lola at iba pang miyembro ng typical family. Ang ina niya dito ay si Aysa. Ang kanyang pinakamalapit na kaklaseng adik kung masasabi sa K-Pop. May mga alam itong korean words. Pati pagsulat ng Hangul, alam rin nito. Ito rin ang kanyang napagsasabihan ng sikreto o mga bali-balita tubgkol sa estado nila ni Arthur. At masasabi niyang, CRUSH na din niya ito. Crush lang naman. Crush lang muna, wag na sanang humigit doon.
°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
sorry for not updating for so long. I've been very lazy this summer. And i cannot decide which of my two books i should update. Ive been planning for a big twist for my other book.
And i haven't edited the fonts because im usinp the phone. I'll edit it on some other time.
Kisskiss, Top.