AT YOUR WORST

560 27 5
                                    


AT YOUR WOSRT

Author:Shei lie/Anne lie

Chapter26(book2)

Patricia's pov

*Habang nasa ospital ay unti unti syang tinuturuan ng mga nagpakilalang kaibigan sa kanya magbasa at magsulat..iniiwas nila sya paggusto nyang manalamin..kasi hindi nya lang daw magugustuhan ang makikitang  mga tahi sa ulo dahil sa kalbo pa sya.
Nang nakikita ng doktor na malakas na sya ay pinayagan na syang makalabas pero kinausap muna neto ang mga nagpakilalang kaibigan nya...at lumapit sa kanya ang doktor*

Doc: ahh iha..dadahan dahanin ko lang ang pagpapaliwanag sayo ha..(sabi pa neto na nakikinig din ang mga kaibigan nya)
*..si red ay nakahawak sa kamay nya at si mandy ay nasa likuran nya hinahaplos ang likod nya.*
Doctor: iha dalawang taon kang nakaratay at walang malay dito sa ospital.. ilang beses kang inoperahan kaya ganyan ang ulo mo..pero darating din naman ang araw na tutubo din yan..marami ring nakapasok na basag na bubog sa mata mo kaya pinalitan namin eto..mabuti nalang may donor tayo..basag din ang bungo mo sa may bandang ilong mo kaya pati yang ilong mo inoperahan na din..halos lahat perfect naman eh..maliban lang sa heart at memory mo...

*nagtataka man sya ay nakinig nalang din syang mabuti habang lahat na ng kaibigan nya ay tumabi sa kanya sa pag upo...*

Doctor: nahihirapan kami sa paghanap ng donor ng puso mo iha..kaya't sa ngayon kakailanganin mong irelax lagi ang sarili mo at wag pasasamain ang loob mo looking forward kalang lagi sa masasayang gawain araw araw ha..may reseta naman na kami para sa puso mo mataas ang dosage kaya't kapag alam mong umaatake lang ang puso mo ska mo lang sya iinumin...ska iha yang memory mo actually..(lahat na sila pati sa mga kaibigan nagpapaliwanag na ang doctor)..permanente na ang memory lost nya...it means hindi na nya maaalala ang nakaraan nya...kasi meron bahagi sa utak nya ang dumudugo habang inooperahan namin sya...(nakanganga ang mga kaibigan nya habang nagsasalita ang doctor.)
*Ayaw nya ng marinig pa ang iba pa netong sasabhin kaya tumayo na sya..sapat na siguro yung mga narinig nya malinaw na sa kanya...nang mapansin na ng doctor na ok na sya ay binigyan na sya ng release papers..*

*Inalalayan sya ng mga kaibigan nya..nagtataka sya nagsasalitan ang mga kaibigan nyang bantayan sya sa ospital, minsan lahat sila naandoon...wala ba syang magulang?..bakit kahit isang kamag anak o sino man wala syang makita kundi yung nagpakilalang mga kaibigan nya lang..
Pauwi na sila sakay sakay sila sa kotseng van..para syang sanggol na tuwang tuwa sa mga nagtataasang building..binuksan ng driver yung bintana para malanghap nya hangin pero hinawakan ni mandy yung ulo nya kasi bka malaglag yung suot nyang bonet sa ulo...maya maya pa ay nakarating na sila sa sinasabi nilang bahay nya...maliit lang yun at may hagdanan para marating mo yung loob...pagpasok nya sa loob ay may batang tingin nya ay 2 taon lang naglalaro sa maliit na sala.*

Mandy: lola remidios..lola remidios..lola *..lahat na ng mga kaibigan nya ay tumawag na LOLA andito na po ang apo nyo".(.maya mya ay lumabas na nga ang tinawag na lola remidios...agad na kandaiyak eto ng makita si patricia..)
Lola remidios: diyos ko apo ...hindi ko akalain magigising kapa... Maraming salamat sa panginoon.
*Si lola remidios daw ay nanay ng kanyang ina...pero nagtataka sya
Patricia: "bakit PATRICIA ARMSTRONG" yung pangalan ko e nanay naman sya ng nanay ko hindi ba sila kasal ng tatay ko?"(tanong nya.)
*pero parang nag iwas ng sagot ang mga nandoon at kinuha ang batang naglalaro.*
Daphne: oyy tignan mo to patricia kapatid mo to si niko oh  ng naaksidente ka baby pa tlaga to...
*ambilis naman nya malibang at binuhat na ang sinasabing kapatid nya.
Dahil sa kagustuhan nyang matuto magbasa ay nagaral sya ng grade 1 sa edad na 18 hiyang hiya man sya kasi mga bata pa yung mga kaklase nya wla naman syang magagawa dahil gusto nyang matuto..kapag di sya nag aral pano sya matutong magbasa at magsulat ano ituturo nya kay niko...kaya't nagsikap sya kahit tampulan sya ng tukso ng mga bagets na kaklase pero di kalaunan nagpayo ang teacher nya na magtake ng exam para ma-accelarate sya hanggang grade six man lang..at laking tuwa nya dahil nakapasa sya...kaya't ng nag high school naman sya ay sinikap din nyang mag take ng exam at ganun na nga ang nangyari nakapasa na naman sya at ngyon ay grade 10 sya...hindi na nya sinubok pa na mag take pa kasi hindi na kinakaya ng isip nya lalo na may trabaho pa sya.*

*Nasa ganung wayback na alaala si patricia ng nakaramdam sya ng pagod sa paglalakad marahil matindi na yung naalala nya kaya nawala sa sarili at napagod sya*
Patricia: tutal malapit na ako sa gate ng guardhouse ...
*napaupo sya sa gilid ng kalsada doon..pero dahil nauuhaw sya ay nagtangka syang tumayo..sakto naman pagliko ng napakagarang pulang sasakyan papasok sa compound ng mga pabrika doon...*

*Kilala nya ang magarang kotse na yun..ayun yung binato nya kagabi dahil sa wlang habas na pagtuloy tuloy ng bilis ng takbo neto kahit baha ang kalsada*
Patricia: "ska ayun din yung pumarada ng nakaharang kagabi sa lugawan at umorder ng lugaw at kape...(ng tumawag eto para umorder ay agad syang lumapit).."san kba naman makakakita ng umoorder na nakasubsob ska lugaw at kape?
*ng inabot nya ang order sa kasama nyang tagaluto ay natawa rin eto..*
"Matindi siguro ang tama ng alak kaya kailangan nya ng matinding hihigupin ayan na at ibigay mo..(sabay abot sa kanya ng tagaluto)
*..inabot nya ang mga maiinit netong order at ginising..pinagmasdan nya ang suot neto..)
Patricia:"diyos ko napakaseksi...buti nalang wala kaming customer kundi bka paginteresan sya"..(nagalala syang bka may dumating na costumer at makita ang babae kaya ginigisng nya eto.)
*nagulat sya pag angat neto ng mukha..yung may ari ng kotseng binato nya ay nasa harapan nya ngyon at lasing..ang amo ng mukha neto na pilit dumidilat..napakaganda..sobrang ganda..tumatakip sa mukha nya ang unat na unat nyang buhok...natawa nalang sya ng nagbanggit etong kath at inamoy ang kamay nya...hinimas himas nya ang mga balikat neto..hindi nya maintindihan kung  anong pakiramdam at bakit parang naginit ang pakiramdam nya ng hinimas nya eto...lalo na ng inamoy neto ang kamay nya..
parang gusto nyang pagpawisan..kaya't minabuti nyang umalis nalang at tinawag yung kasama para sya nalang mag asikaso sa magandang lasing
Hindi na natigil si patricia sa mga pagiisip nya ng nakaraan..di nya namalayan nawala na sa paningin nya ang magarang kotse... *

Patricia: san kaya ang punta non???

*Nagpatuloy na sya sa paglalakad dahil sa hinaba ng mga naalala nya ay tiyak late na sya sa school neto*



*******************************************

End of this chapter,yan nlang po muna at pagod na ang author nyo😊😊😊
Please paki rate nman po ang AT YOUR WORST in 1 to 10 kung gaano po kayo ka-satisfied sa story na ito salamat po...

*shei lie

AT YOUR WORST  (book 2)Where stories live. Discover now