Chapter 4

141 8 20
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Nakarating kami ni Andre ng xylo, at eksakto naman na magsisimula pa lang ang performance nila Hiro.

Umupo kami sa front seats ni Andre, at tabi kami! May masayang ngiti ako sa labi habang hinihintay na magsimula ang pagtatanghal ng banda.

"Good evening!" Naghiyawan ang mga tao sa loob nang bumati si Hiro. "Are you guys ready?"

Muling naghiyawan ang mga tao at nagsimula nang tumugtog ang gitarista.

"Never thought about a day that I'll be needin' more..."

"Of this feelin' I can't hide it to you anymore..."

"The way you look the way you move, you heatin' up the floor..."

"Babe, you got that somethin' special knockin' on my door..."

Simula pa lang ng kanta ay naghiyawan na ang mga tao. Pansin ko din na ang tingin ni Hiro ay na sa direksyon ko. Hindi ko na binigyang pansin kaya ngumiti ako sakaniya habang sumasabay sa kanta.

"Oh woah..."

"Baby, you know (baby, you know)..."

"Know I can't control (know I can't control)..."

"Can't handle this feelin' babe..."

"Stop teasin' me..."

"No, I ain't playin' games (ain't no playin' games)..."

Gago, ba't sakin lang nakatingin si Hiro?!

Medyo nailang ako sa tingin niya kaya lumingon ako palayo. Pero ako naman si tanga na nakalimutang katabi si Andre. Napabaling ang tingin ko sakaniya at eksakto naman na nagkatinginan kami.

Saktong sakto iyong kanta noong nagkatinginan kami ni Andre. Gusto kong ibaling ang mata ko mula sa kanya pero tang-ina, hindi ko magawa. Parang natulala na ako. Hindi ako makalingon o makagalaw.

Fuck, mas malala pa 'to sa sleep paralysis!

Andre clread his throat, at doon lang ako naka-iwas ng tingin. Huminga ako ng malamim as I licked my lips while looking down.

Laging nawawala angas ko sayo Andre! Bakit kasi ang hirap mong titigan?!

Matapos ang pag-awit ng banda nila Hiro. Nagpalakpakan ang mga tao at mga nagsihiyawan. Pagkatapos ng mabagal na kanta, ay muling kumanta si Hiro. Pero this time ay Chase Atlantic naman ang kinanta niya.

Lost Love In Silence | College Series 1Where stories live. Discover now