Chapter 7

107 5 0
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"Andre?!"

Namula agad ang pisngi ko. Hindi ko namalayan kung gaano kabilis ang pangyayari, but I swear to god this is so embarrassing!.

"Geez... chill, Maxine. May dugo ka sa pantalon mo kaya naisipan kong takpan." muling sambit ni Andre. At agad akong nakaramdam ng kahihiyan. 

"Shh! sige lang ilakas mo pa!" Medyo tumaas ang boses ko habang masama ang tingin sa kanya. Bwisit na lalaking 'to. Parang walang hiya.

Napaiwas siya ng tingin na parang nagmamanman sa paligid. "Walang ibang tao dito."

He said softly. And that's the worst! No one but him saw my blood on my pants. It would have been okay if it was someone else, but Andre himself?! Fuck!

Kupido naman, e!

I bit my lower lip and sighed as I looked away. Sobrang nahihiya ako ngayon na ayaw kong harapin si Andre. At literal na nakatingin siya sa akin! Tahimik lang kaming dalawa pero rinig ko ang paghinga niya. Tahimik ang paligid at rinig na rinig ko ang mga dahon na hinahangin sa lupa.

Ibang-iba ang pakiramdam na nasa loob ko, at gusto kong tumakbo palayo mula kay Andre. Pero pag ginawa ko yun iisipin niya na nahihiya ako sa sarili ko. Ayokong masira ang pagtingin niya sa akin. Na ikinakahiya ko ang pagkababae ko!

"A-Ano... lalabhan ko na lang 'tong jacket mo. Thank you." Pagkasabi ko ay agad akong tumalikod para maglakad palayo.

Hindi ko na kinaya ang hiya kaya bakit pa ako mag tatagal?

Pero nung maglalakad na sana ako palayo ay hinawakan ni Andre ang wrist ko.

Agad akong napatingin sa kanya nang magdikit ang aming balat. Ang malambot niyang balat ay dumampi sa akin, ito ay mainit at komportable.

"Bakit?" Tanong niya.

Naguguluhang tumingin ako sa kanya. "Anong bakit?"

"Bakit aalis ka agad?" Tanong niya na may pleasing na mga mata na nakatingin sa akin.

Napabuntong-hininga ako na hindi nagpapakita ng excitement. But I feel so excited right now na nandito si Andre. How I want to keep him close ng ganito. Naalala ko na kailangan ko na din maglinis ng katawan.

"Andre, kailan kong maglinis ng katawan." I answered directly.

Napansin kong nag pout siya. Kaya't ang aking labi ay bumuo ng isang maliit na linya.

Lost Love In Silence | College Series 1Where stories live. Discover now